Hey, I'm back:)
-------------------------------------------------------------------
TRIXIE POV
Andito ako ngayon sa mansion na nagsisilbing quarters ng aming organisasyon. Ang pamilya namin ay isang mafia. Luciano Empire at kilala kami dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa na pinakamalakas na pamilya. Marami kaming mga kaalyado pero marami rin kaming kaaway.
Lahat ng myembro ng pamilya ay bahagi ng organisasyon at ako ang namamahala sa pagpuslit ng mga prostitute dito sa ating bansa papunta sa ibang bansa.
Ito ang binigay saking trabaho ni Daddy dahil mahusay ako sa pakikipag usap sa mga parokyano namin sa ibang bansa.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa aking nakita, sigurado ako na kay kuya ang motor na yun pero ang daming katanungan na pumapasok sa aking isipan. Ano ang ginagawa ni kuya sa lugar ni Carl.
Kasama ba si Carl sa misyon ni kuya? Ano ang pakay niya kay Carl?
Bumalik ako sa aking katinuan ng bigla na lang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Ang lalim ata ng iniisip mo Trixie" sambit ni Trev.
Kung nagtataka kayo bakit kasama si Trev sa organisasyon ay sa kadahilanan na gusto niya ng extra income dahil mahirap din lang ang kaniyang pamilyang pinagmulan. Napakaraming paghihirap ang kaniyang pinagdaanan bago tanggapin sa organisasyon namin. Ang lahay ng myembro ng mafia ay may nakatatak na simbolo at ang samin ay ang omega symbol. Hindi lang si Trev sa aming magkakaibagan ang myembro ganun na rin si Topher, Chino at Madam Nate.
At kapag kami ay nasa misyon gumagamit kami ng iba't ibang maskara para protektahan ang totoo naming katauhan.
"Wala kang pakialam dun" sagot ko sa kaniya. Nakaka bwesit na tong tao na ito, sa school hanggang dito puro pambubwesit na lang ginagawa sa buhay ko.
Pero may alam ba siya sa ginagawa ni kuya?
"Napaka sungit mo talaga" natatawa nitong wika sakin
"Pero yung totoo? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang lumapit saakin. Dahil lagi akong handang tumulong sa iyo." Habol pa nito.
Lagi na lang siyang ganito. Pero kahit kailan hinding hindi ako hihingi ng tulong s akahit na sino. Ayokong sabihin nila na mahina ako.
"May alam ka ba sa misyon ni kuya ngayon?" diretsong tanong ko sa kaniya.
"Ang pagkaka alam ko lang ay ang pagpuslit ng mga baril sa ibang bansa. Pero alam ko ay tapos na yun" sagot nito sakin.
Sinusuri ko kung totoo ba ang sinasabi niya sakin at mukhang totoo naman. Ngayon kailangan kong mag imbestiga sa aking natuklasan. Gusto kong mahanap ang kasagutan sa pakay ni Kuya kay Carl.
Lumabas na ako ng quarter ng hindi na nililingon ang aking kausap.
---------
CARL POV
Lumipas ang mga araw, at talaga naman napakaraming gawain sa school. Simula ng matapos ang birthday ni Mr. Luciano balik na muli lahat ng estudyante sa pag-aaral.
Masaya naman dahil ang dami ko talagang natutunan sa mga guro ng unibersidad na ito. Sa dami ng gawain nakakayanan ko pa naman tapusin ang mga ito pero kailangan kong mag adjust ng aking oras dahil minsan late na akong natutulog sa gabi.
Matapos din nung party hindi ko na muling nakita sina Xander at ang grupo niya, maging si Trixie ay hindi ko napapansin dito sa unibersidad kaya talagang nakafocus lang ako sa pag-aaral. Si Zach at Trina naman ay bihira ko din lang makasama dahil marami din silang ginagawa. Minsan nga niyaya ko silang tumambay sa mini forest pero meron daw silang pupuntahan kaya ako ay madalas mag isa.
Ngayon nga pala ay meron kaming pupuntahan na isang building dito rin lang sa loob ng campus. Isa siyang lumang building na walang mga estudyante at nais ng aming professor na suriin ang estruktura nito at tukuyin kung angkop ba ang mga materyales na ginamit.
"So ngayon ang gagawin niyo, suriin ang estruktura ng building na ito. Maaari kayong pumunta sa iba't ibang palapag ng building na ito kung gusto ninyo pero mag-iingat pa din dahil may kalumaan na ang building na ito" utos ng aming professor.
Una kong sinuri itong unang palapag, sunod naman ay gusto kong pumunta sa rooftop dahil ayon din sa aming professor, maganda ang tanawin dito sapagkat makikita mo ang kabuuan ng school.
Sa pag-akyat ko may mga kasama naman akong mga kaklase kaya hindi ako nakaramdam ng anumang takot o pangamba. Pagdating namin sa rooftop totoo nga napagaganda ng tanawin sapagkat nakikita mo ang kabuuan ng school.
Pababa na kami ng building ng makaramdam kami ng malakas na pagyanig. Ngunit wala akong mahawakan kaya ako ay agarang natumba. Ngayon ay labis ang takot na aking nararamdaman, pumasok sa isipan ko ang sinabi ng aming professor na may kalumaan na ang building na ito.
Mas lalo pang lumakas ang paggalaw ng aking kinatatayuan. Dahil sa takot ko na mabagsakan ng mga semento. Pinilit kong tumayo at maghanap ng classroom na pwede kong pagtaguan. Mabuti na lang at meron agad akong nakita.
Pero akmang bubuksan ko na ang pinto ay hindi ito mabuksan kahit na anong pilit ko dito.
Maya maya lang ay may nalaglag na malaking tigpal ng semento kaya agaran akong tumakbo papunta sa kasunod na classroom. Sa kabutihang palad bukas ito at agaran akong pumasok.
May nakita naman akong lamesa at agad akong tinungo yun at nagtago sa ilalim nito sapat na para hindi ako malaglagan ng kahit anong debris.
Mahigpit kong niyakap ang aking sarili dahil sa takot at kabang aking nararamdaman. Maya maya pa ay nagsimula ng maglaglagan ang mga kisame nitong classroom na aking pinasukan. Ang malalakas ba bagsak nito sa taas ng mesa na aking pinagtataguan ang nagbigay sa akin ng lubhang takot.
Nagsimula na akong maiyak sa aking pinagdadaanan ngayon. Ito na ba ang aking aking katapusan?
"Ma....ma" yan lang ang aking masambit. Pinikit ko ang aking mga nata sa sobrang takot. Pero sa pagpikit kong yun ay ang pagbalik sa aking utak ng mga nangyari sa aking nakaraan.
Unti-unti kong naalala ang pagtatago sa maadilim na basement, maging ang mga putok ng baril. Ngayon, nanginginig ang aking katawan dahil sa mga ala-ala na iyon.
Maya maya pa ay tumigil din ang paggalaw at sa tingin ko ay tapos na ang lindol. Minulat ko unti-unti ang aking mga mata at napakadilim ng aking kinalalagyan ngayon. Tila nagbagsakan ang mga kisame sa classroom na ito maging ang mga semento mula sa ibang palapag ng gusali na ito.
Tuluyan na akong na iyak, pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng aking katawan.
"Lord tulungan niyo po ako" panalangin ko s panginoon. Nawa at makalabas ako dito ng ligtas.
Dahil sa dilim na ito, na labis kong kinakatakutan dahil sa bawat dilim na aking nararanasan ay ang pagpapaalala sakin ng mapait kong nakaraan.
Unti-unting sumisikip ang aking paghinga, at nakakaramdam ako ng hilo.
"Tuuuuulonnnggggg!" sigaw ko pero pakiramdam ko ay mahina lang ito.
"Tulongan niyo ko" sigaw kong muli.
Nawa ay makarinig ng aking tulong . Ayaw ko pang iwan ang mama kong mag isa.
Maya- maya lang ay nakarinig ako ng malakas na pagbukas ng pintuan at pag-alis ng mga kisame na naglaglagan. Mabuti na lang may nakarinig sa aking panalangin.
Habang papalapit ang yabag ng paa, ay ang unti-unti ring paglabo ng aking mga mata. Pero bago ko pa ito tuluyang maisara. Nakita ko pa ang postura ng lalaki sa aking harapan.
"Xander......."
FOLLOW! VOTE! COMMENT!
:)
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.