This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Isang linggo na ang nakakalipas at ngayon ia-announce ang maswerteng napiling scholar. Honestly sobrang kinakabahan ako kasi tanghali na ngayon pero wala pa din akong natatanggap. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag isip ng hindi maganda.
"Anak, kumain ka na. Tanghali na oh..... huwag kang masyadong kabahan dahil alam kong ikaw ang mapipili dun. Matalino kaya ang anak ko" pagpapalakas loob na sambit ni Mama.
Alam kong pinapagaan lang niya ang nararamdaman ko pero hindi ko talaga maiwasan. Andito kasi kami sa harap mesa para kumain. Pero ako hindi ko magawang kumain dahil kinakabahan ako at ang daming iniisip na posibilidad.
"Pero Ma, tanghali na kasi baka hindi talaga ako ang napili" malungkot kong sambit kay Mama.
"Huwag kang pang hinaan ng loob anak. Diba sabi mo sakin may tawag kayong matatanggap kong hindi kayo napili at nakapasa?" tanong niya sakin. Tumango naman ako.
Tama naman si Mama dapat may tawag muna kaming matanggap para malaman namin kung hindi kami nakuha.
"Yun naman pala eh. Malay mo hindi pa sila tapos mag check. Mahaba pa ang maghapon anak. Walang mangyayari kung hindi ka kakain." Paalala niya sakin.
Kaya kahit wala akong ganang kumain sumandok pa din ako ng pagkain dahil ayaw kong malungkot si Mama na hindi ko kakainin ang luto niya.
Matapos naming kamain tinulungan ko na siya sa karenderya dahil medyo marami na ang bumibili ng ulam. Meron kaming katulong sa pag titinda si Aleng Nena, binibayaran naman siya ni Mama. Mabait ang pamilya niya samin, kaya pag nangangailangan sila ng tulong hindi kami nagdadalawang isip na tulungan sila.
Napansin ko na nandito si Jake ang anak niya at busy din sa pag seserve sa mga customer. Araw araw ganito ang eksena dito sa aming karenderya. Ang dami kasing mga customer lagi lalo na yung mga nag oopisina sa kabilang highway maging yung mga construction worker dito sa bagong building na tinatayo malapit samin.
Matagal tagal na din kasi noong simulan ang pagpapatayo ng building na yun. Mabuti na nga lang at hindi nadamay ang aming bahay sa pagpapademolish. Mukhang malaking kompanya ang may ari.
"Aleng Nena, kumain po muna kayo, ako na po muna diyan" nakangiti kong sambit sa kaniya. Hindi naman siya tumingin sakin dahil tuloy tuloy siya sa pagsandok ng mga ulam.
"Naku ijo, kayang kaya ko to." Sambit nito sakin.
"Sige po ganito na lang, pag tapos niyo kumain kayo na po ulit dito" pagkumbinsi ko sa kaniya. Ngayon tumingin na siya sakin pero halatang ayaw pang tigilan ang trabaho. Mabuti na lang at sumunod din siya.
Ngayon ako naman ang nagsasandok ng ulam. Nakita ko naman ang mga babaeng customer na panay ang sulyap sa aking pwesto. Hindi naman na ito bago sakin. Kaya ang ginagawa ko lagi ko silang nginingitian para balik balikan nila ang aming kainan. Tila kinikilig naman sila sa mga ginagawa ko.
"Naku anak, kaya lagi tayong maraming customer eh dahil sayo" biglang singit ni Mama na nasa tabi ko ngayon at katulong ko sa pagbibigay ng mga orders.
"Hindi kaya Ma, bumabalik sila kasi masarap ka magluto" natatawa kong wika sa kaniya. Natawa din naman siya sa sinabi ko.
Lumapit sakin si Jake pero hindi nagsasalita. Bakit ba laging ganito tong bata na ito. Samantalang pag si Mama ang kausap niya napaka daldal niya.
"May kailangan ka ba Jake?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Tila namumula na naman ang pisngi niya at pinagpapawisan ang noo nito. Mukha ba akong multo?
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.