Chapter 36

512 18 0
                                    

Thanks everyone:) 90k reads na ang Dangerous Love, so happy for my first story. Keep supporting XOXO:)

----------------------

CARL POV

Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong nakayakap ako sa isang matigas na katawan. I'm aware naman na kung sino ang katabi ko dahil hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi. At mula ngayon ay official na kami. I'm just so happy, kaya isang ngiti ang namutawi sa aking mga labi.

I saw him staring at me with same smile as mine. Hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness between us.

"Had a good sleep? Good morning babe" his voice is so sexy. I'm just comfortable to pillow his biceps and my hands place on his rocky tummy.

"Good morning handsome" nakangiti ko ring bati sa kaniya. Hinalikan niya naman ako sa noo at nakaramdam naman ako ng kilig. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng inlove? I never imagined to be loved by this cold mafia boss son. 

"Anong oras na nga pala? Late na ako sa school" sambit ko sa kaniya sabay tingin sa orasan sa may study table ko.

"OMG. Late na ako." babangon na sana ako para maligo pero hinila niya ang kamay ko kaya napahiga ako sa katawan niya. Naramdaman ko naman ang init ng katawan niya, sobrang liit din lang ng distansiya ng mukha namin dalawa.

"We're not going to school. I excused you already. Dahil this is our first day as couple. Let's have a date" nakangiting pahayag nito sakin. Napangiti naman agad ako sa sinabi niya na couple na kami. Dati crush ko lang siya now I'm so inlove with him.

Pagbaba namin sa sala nakita namin si Mama na naghahanda ng breakfast. Napatingin ito samin at napangiti.

"Enjoyed your sleep my princess" mapang-asar nitong bati sakin. At kailan pa niya ako tinawag na princess?

"Ma......" medyo sigaw ko sa kaniya dahil sa hiya.

"Eto naman di na mabiro. By the Xander wala ka bang sugat sa pag-akyat mo sa bahay kagabi?" mapang-asar din na bati ni Mama. 

Nakita ko naman na namula siya mula sa sinabi ni Mama at napakamot pa sa kaniyang ulo.

"Sorry po Ma, nahiya po kasi akong kumatok kagabi baka po maabala kayo" nahihiyang sambit nito.

"Sige, mukhang hindi ko naman na mapipigilan yang inyong pagmamahalan. Kumain na tayo." aya samin ni Mama at naupo naman kaming dalawa.

"Ma, magpapaalam po sana ako na kung pwede pong yayain na magdate si Carl. Pinagpaalam ko naman na po siya sa mga Prof niya." pagpapaalam niya kay Mama. Kinakabahan naman ako sa magiging sagot ni Mama. Tiningnan pa niya ako na parang kinikilatis kung gusto ko ba.

"Sure no problem Xander, basta ibalik mo ng buo yung anak ko." nakangiting sagot ni Mama sa kaniya at nakahinga naman ako ng maluwag.

Habang kumakain kami ay may kumatok sa pinto. Bisita siguro ni Mama. Bilang masipag na anak, ay ako na ang nagbukas ng pinto. Nagulat naman ako sa nakita ko dahil andito si Trixie.

"Morning besshie" masayang bati ni sakin na parang ang tagal namin hindi nagkita. Nagbeso beso lang kami tsaka ko siya niyaya papasok ng bahay.

"Morning Tita, hindi pa po kayo nakaayos?" bati ni Trixie kasabay ng tanong nito na nagpataka samin ni Mama pero si Xander mukhang alam niya.

"Bakit naman ija? Wala naman akong lakad ngayon. Sabayan mo na kaming kumain dito" nagtatakang sambit ni Mama.

"Kuya, hindi mo pa ba sinasabi?" nagtatakang tanong ni Trixie. Napatingin tuloy kami ni Mama sa kanilang magkapatid na parang sila lang nagkakaunawaan.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now