3 years later.......
Trixie POV
It's been a year since that tragic mission. All of us still in the process of moving on and acceptance but not like the first year. All of us miss him. All of us can't smile just like before.Mahirap pala talagang mawalan ng mahal sa buhay. I treat him like a brother. He's the guy who accepted my flaws and imperfection. It's just so sad that let him go.
"Hey! What's wrong" he asked and hugged me from the back.
"I just miss him. There were days na bigla na lang siyang dumadalaw sa panaginip ko" nalulungkot kong sagot sa kaniya.
"Lahat tayo namimiss siya, but we have to move on. He will not be happy to see us in this situation." Pagpapakalma nito sakin.
Trev and I have been in relationship a year ago. I know we're like cats and dogs but he's an ideal guy for me. He's always been in my side since that day happened. Magkasama rin kami palagi sa misyon.
Si Nate and Topher naman still going strong. Balak na nga nilang magpakasal next year. Busy na rin sila palagi sa pag manage ng kompaniya ng kanilang pamilya. Bihira na lang kami magkita kita after graduation. Pero may mga misyon pa rin naman kaming magkakasama.
Si Chino naman still finding his self. Nagbabakasyon siya ngayon sa Palawan. Hahanapin na daw niya yung forever niya. Pero ang totoo kasama naman talaga niya yung lalaking niligtas niya sa Batangas. He seems happy naman when they are together siguro confused pa si Chino sa sarili niya.
"Asan si Xander?" tanong ni Trev sakin.
"Nasa punishment room. May mga pinaparusahan" naiiling kong sagot sa kaniya.
"Let's go. Kausapin natin siya baka kung ano na naman magawa niya sa mga kinakausap niya" pag-aalok niya sakin.
Ang totoo niyan ayaw ko talagang makita si Kuya. Hindi ko na kayang tumayo sa tabi niya. Kahit makasama siya sa isang kwarto hindi ko kaya. Para akong hindi makahinga sa pagbabago niya.
When Carl died, hindi namin siya makausap. Nakakulong lang siya sa kwarto at ayaw ng may nakakausap. One time nag attempt ang mga kaibigan namin na kausapin siya pero pinaputukan niya lang kami ng baril. Next attempt namin, nabuksan namin yung pinto ng kwarto niya. Nakahiga pa siya nun pero bigla na lang may lumipad na kutsilyo papunta sa direksiyon namin mabuti na lang at nakaiwas kami. Hindi naman siya pinakelaman ni Mom at Dad. Siguro ay naaawa din sa sitwasyon ni Xander.
After 5 months nakagraduate siya ng college. Lumabas na din siya sa kwarto niya. Meron na siyang balbas pero nakatrim naman. Mula noong lumabas siya ng kwarto niya na yun iba na yung awra niya. Yung tipong malayo pa lang siya sayo kakabahan ka na. Pakiramdam ko nun anytime pwede siyang pumatay.
Dad, Xander and other leaders of the mafia talk in private room. Base from mom, pinapasa na ni Dad ang posisyon kay Xander. Pumayag naman ang mga kasosyo sa negosyo.
Simula na pala yun ng mas malaki pang pagbabago sa kaniya. On his first transaction, nakasama niya kami ni Trev. Ang pakikitungo niya samin hindi na katulad ng dati. Seryoso na siya at hindi makikitang ngumiti. Nagpunta kami nun sa Davao para sa malaking transaction ng droga.
Nung nagpapalitan na ng droga at pera bigla na lang siyang sinabihan ng katransakyon namin na parang hindi mahusay ang bagong pinuno ng Luciano dahil bata pa. Pero imbes na sagutin ni Xander yun ay agad niya itong binaril sa ulo. May ilan pang mga kasama itong sinubukan siyang barilin pero pinatumba niya lahat yun.
Nagulat ako sa pangyayaring yun. Dahil sa insedenteng yun mabilis na kumalat sa mundo ng mafia ang pagiging brutal niya. Marami sa mga maliliit na organisasyon ang nakipag alyansa sa amin kapalit ng proteksiyon. Nang dahil sa marami ng mga nakadikit sa aming organisasyon mas lalong lumaki ang kita at impluwensiya ng aming pamilya.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.