Chapter 7

655 13 3
                                    

This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment

For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.

________________________________________________________________________________

Isang linggo na ang nakakalipas ng magsimula ang klase. At ngayong araw pormal.na magsisimula ang klase dahil noong nakaraang linggo ay puro election ng nga officer sa iba't ibang organization. May sinalihan naman akong isang club which is music club. Hindi man halata sakin pero I love singing and playing instruments.

Mag aalas otso pa lang ngayon ng umaga pero pappasok na ako dahil ayaw kong malate. Kapag napapa aga naman ako ng pasok sa library ako tumatambay dahil napaka raming magagandang libro na pwedeng mabasa dito. Nag aadvance reading kasi ako saa mga subjects ko para kung sakaling may biglaang recitation may maisasagot ako.

"Ma, mauna na po ako." Paalam ko kay sa kaniya.

"Sige anak, mag iingat ka pag uwi mamaya" paalala nito sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Kahit na matanda na ako hindi pa din ako nagsasawa sa mga yakap niya kahit na nagmumukha akong batang paslit. Mabilis din naman at kumalas siya.

Lumabas na ako ng bahay pero napansin kong may magandang motor dito sa kabilang kalsada. Kaya agad kong tinawag si Mama.

"Ma, may bago na ba ulit na nangungupahan dito kay na Aleng Tess?" tanong ko sa kaniya.

May paupahan kasi dito sa harap ng bahay namin. May nakatira dati diyan na isang pamilya pero lumipat na sila dahil nakapag pagawa na sila ng bahay. Maganda naman tong paupahan na ito pang isang pamilya lang talaga.

"Meron na anak, kagabi lang daw nakalipat pero hindi ko pa nakikita" sagot ni Mama habang abala sa pag aayos ng mga luto niyang pagkain pang almusal.

"ganun po ba. Sana mabait din katulad nung mga nangupahan dati." Wika ko sa kaniya.

"Isa lang naman daw ang nangungupahan diyan nak" sagot niyang muli sakin.

"Sige Ma,, una na po ako" paalam kong muli sa kaniya at naglakad na ako papuntang highway.

--

Pagdating ko ng school agad akong tumungo sa library para magbasa basa. Bukod dun, tahimik dito dahil konte lang ang mga pumupuntang mga estudyante. May pito akong subject at ang unang klase ko ay Gen.Chemistry at ang pinakahuling subject ko na pang gabi ay Pilipino. Pero hati hati naman yun sa bawat araw.

Humanap ako ng mauupuan malapit sa bintana kung saan tanaw mo ang mga tao sa labas. Nilabas ko ang libro ko sa Chemistry na reference sa aming subject.

Habang busy ako sa pagbabasa bigla na lang may kumalabit sa likod ko. Nang tingnan ko ito ay napangiti agad ako ganun din naman siya.

"Morning Carl" bati nito sakin

"Morning din Zach" bati ko din sa kaniya pero mahina lang dahil ayaw kong makalikha ng ingay.

Siya si Zachary Sy, kaklase ko siya sa lahat ng subject. Si Trina kasi ay Electrical kaya bihira namin siyang makasama. Gwapo din itong si Zach, half Chinese siya, singkit ang mga mata at maputi ang kutis. Para din siyang si Trev na laging nakangiti.

"Sabi na eh.. dito lang kita makikita" wika nito at naupo sa tabi ko.

"Alam mo naman kung saan mo ako lagi makikita, kung wala ako dito nasa mini forest naman ako" sagot ko sa kaniya.

"Noted bossing" sagot nito sakin at nilagay pa ang daliri sa dulo ng kaniyang kilay at sumaludo na parang sundalo.

Natawa naman kami pareho. Kung nagtataka kayo kung bakit kami lagi ang magkasama kasi kinuha niya ako as tutor. Gusto niya nung una na bayaran ako pero sabi ko hindi ako tumatanggap nun dahil willing naman akong tulungan siya. Mabait naman talaga siyang kasama kaya mabilis kaming naging mag kaibigan. Mababait din naman yung mga kaklase namin pero may mga kaniya kaniyang mundo sila.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now