Akala mo ba madali?

1 0 0
                                    


Akala mo madaling kalimutan ka?

Kalimutan ang bawat parte ng 'yong mukha

Kalimutan ang tinig mong palagi akong hinaharana

Akala mo ba madaling makatulog sa gabi nang hindi ka man lang naaalala?

Akala mo ba madaling sumandok ng kanin araw-araw nang may gana?

Akala mo ba madaling making ng mga musika na parang sa 'kin lagi pinapatama ang bawat salita ng kanta?

Akala mo ba madaling gumising sa umaga habang umaasa na babalik ka na

Akala mo ba madaling kalimutan ka?

Hindi madali, ngunit makakalimutan din kita

Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon