Kailan ba?
Kailan ba matatapos itong aking mga paghihirap?
Ang kaginhawaan at kalayaan ay kailan ko ba mararanasan?
Anong petsa ko kailangang markahan ang aking kalendaryo upang paghandaan
Paghandaan ang araw na tuluyan na kong makakalaya sa ating panget na nakaraan
Sa madilim na kulungan ng iyong mga ala-ala
Sa napakagulong lugar na puro bangayan at walang sawang sakitan
Sa lugar na pawang wala ng pag-asa pang makalabas at pawa bang dito na lang ako hanggang sa aking kamatayan
Nakabukas ang kandado, hawak ko ang susi nang hinaharap
Ngunit wala na kong muka pang maihaharap
Hindi ko pa kayang muli kang makaharap
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...