Ang bilis mo namang kalimutan ako
Ang bilis mo namang magkaroon ng panibago
Ginawa mo 'kong damit na kapag wala na sa uso ay agad-agad nalang babalewalain at maghahanap ng bago
Ginawa mo 'kong panulat na may tinta na kapag naubos na at wala na sa 'king natira ay iyo na ring ibabasura
Ginawa mo 'kong gamot na kapag may sakit ka ay dun mo lang naaalala ang aking halaga
Ginawa mo 'kong maleta na taga-bitbit ng sandamakmak mong mga problema
Ganoon lang pala kadali sa 'yo na palitan ako
Gano'n lang pala kadali ang kalimutan ako
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...