Paulit-ulit kitang hihilingin

1 0 0
                                    

Ikaw pa rin ang aking hinihiling sa mga tala

Laging ibinubulong kay Bathala

Na sana sa pagsapit lagi ng gabi, iyo laging nakikita

Ang mga bituin sa langit na lagi nating tinititigan sa malayuan

Kapighatian na lang ang lagi kong nararamdaman

Umaasa na diringgin ako ng kalangitan

Sa mga hiling na gabi-gabi kong inuulit upang ito ay magkatotoo na nang tuluyan

Hinding-hindi ako magsasawang lagi kang ihiling sa Kanya

Dahil paulit-ulit kitang hihilingin

Paulit-ulit kitang hihilingin


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon