Ayos pa

1 0 0
                                    

Ayos pa

Mga salitang tangi kong isinasagot kahit hindi ko na talaga kaya

Ayos pa kahit unti-unti nang tumutulo ang aking mga luha

Ayos pa kahit itinatanong ako ng aking kaibigan ng "okay ka lang ba?"

Ayos pa kahit nakita kong muli ang litrato mo na may iba ng kasama

Ayos pa kahit alam kong sasabog na

Sasabog na ang aking puso sapagkat hindi ko kayang makita na iba na ang 'yong sinisinta

Iba na ang tinititigan ng 'yong mga mata

Sa iba ka na masaya


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon