Masyadong sagad

1 0 0
                                    

Mas pipiliin ko na lang na itago ito lagi sa dilim

Kaysa sa tuluyan pa nila itong mapansin

Mahirap ngunit kailangang pigilin

Lalo na kapag kaharap ko sila ay kailangan ko 'tong makimkim

Mahirap kapag wala kang masabihan

Hindi ko alam kung sino ba ang aking tatakbuhan

Pakiramdam ko, wala sila sa 'king pakialam

Kaya mas mabuti nang ako na lang ang nakakaalam

Alas-diyes ng gabi ang pinaka-ayaw kong oras sa lahat

Pakiramdam ko ay lalong bumibigat

Kahit anong kagustuhan ko na makatulog ako agad

Sobrang bigat naman ng aking damdamin kaya kailangan ko rin itong iiyak nang agad-agad

Yung sakit kase na iniwan mo ay masyadong sagad

Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon