Nandito ako, sa ting hintayan

1 0 0
                                    

Bigla akong ipinadpad ng aking mga paa

Hindi napigilan ng aking sarili na sumampa

Sumampa sa mga naiwan mong ala-ala

Sa mga pangarap na matagal-tagal nating inipong magkasama

Sa kinabukasan na pinag-planuhan nating dalawa

Sa mga pangako na tayong dalawa lamang hanggang sa pag-tanda

Bakit ba nandito akong muli sa lugar na punong-puno ng ating nakaraan?

Bakit ba nandito akong muli sa lugar na hindi na dapat pang balikan sapagkat alam kong hindi mo na 'to pupuntahan pa

Bakit ba nandito akong muli sa lugar na matagal ng abandonado at wala ng katao-tao kahit isa?

Bakit ba nandito akong muli sa lugar ng ating hintayan?


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon