Kung sakali mang mabasa mo ito
Nais kong iparating sa 'yo ang aking litrato
Hindi yung mga litrato na masaya o nakangiti ako
Hindi yung mga litrato na kumakain ako
Hindi yung mga litrato na kasama yung mga kaibigan ko pati na rin yung mga lugar na pinuntahan ko
Hindi yung damit na isusuot ko sa araw na 'to
Kundi yung mga litrato na namamaga yung mga mata ko
Hindi ko nga alam kung bakit kinuhanan ko ng mga litrato yung sarili ko habang umiiyak pa ko
Pang memories lang siguro sa story ko para maalala ko yung mga katangahan ko sa 'yo
Na may caption pang "ako nga pala yung pina-iyak mo"
Ay hindi, "ako pala yung sinayang mo"
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...