Kumusta ka na?
Ilang buwan na ang lumipas mula nang tayo'y huling nagkausap
Nais ko lamang makibalita, mangumusta, hindi lang sa 'yo kundi pati na rin sa 'yng pamilya
Pamilya na akin na ring minahal kaya sobra akong nahirapan na ika'y makalimutan
Sana hindi mo na lang ako pinakilala sa 'yong pamilya upang hindi ako nahirapan na kalimutan ka
Sapagkat hindi lang naman ikaw ang aking minahal, kasama na rin sila
Kaya hindi mo ko masisisi kung masyadong matagal ang proseso bago ako tuluyang makalaya
Makalaya mula sa pagmamahal na hindi ko makuha-kuha
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...