Bakit parang ang lahat ng naririnig at nababasa ko ay sa 'kin pinapatama?
Lahat ng liriko sa kanta
Lahat ng paksa sa mga tula
Lahat ng mga post sa aking social media
Tamang-tama hindi na nakailag
Sa mga mensaheng lalo sa 'king pinapaalala
Pinapaalala na ako'y mag-isa, hindi na masaya
Bakit parang ang lahat ng ito ay para sa 'kin ginawa
Mas lalo lang tuloy akong nahihirapan na bumangon sa aking kama
Galawin ang aking pagkain at ubusin ng may gana
Mas lalo lang tuloy kitang naaalala
Yawa!
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...