Ikaw pa rin

1 0 0
                                    

Sa pagsulyap sa 'kin lagi ng mga tala

Para akong kinukumusta ng mga ala-ala

Pawa bang isinasabi niya sa 'kin na "simulan mo ng mangulila"

"H'wag mong pigilan, ayos lang ang lumuha"

"Tulad ng ulan, ito rin ay titila"

"Andito lang ako pagmamasdan at dadamayan kita"

"Marami kami, kung kaya't 'di ka nag-iisa"

Para bang nananadyang magpa-alala

Marami nga sila, ngunit bakit parang may kulang pa rin?

May puwang pa rin

Na kahit kailan ay hindi nila magawang punuin

Sapagkat hanggang ngayon, ikaw pa rin


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon