Aanhin ko ang kinabukasan kung ang bawat araw sa 'kin na dumaraan ay wala namang dulot na pag-asa
Pag-asang umusad mula sa nakaraang kay hirap kalimutan
Pag-asang matutong mag-isa nang hindi naka-asa sa iba ang aking kaligayahan
Pag-asang ngumiti muli nang hindi ko na kailangan pang itago na ako talaga ay nasasaktan
Pag-asang bumangon bawat araw, nang may sigla at nang hindi na kailangan pang lumuha pa
Pag-asang yakapin nang buong-buo ang aking sarili, at tanggapin na wala ka na
Minsa'y ako'y nagtataka
Paano nila nagagawa ito nang mabilisan
Yung tipong isang tulog lang, limot na agad nila yung taong mahal nila
Ngunit bakit pag sa 'kin ilang ritwal na ang aking ginawa, epekto'y wala pa rin talaga
Ako ata'y iyong ginayuma
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...