Bakit parang hindi naman natatapos ang sakit?
Mas lalong lumalaki ang mga sugat at hindi naman lumiliit
Bawat araw mas lalo ko lang nararamdaman yung hapdi
Kumikirot, hirap makahinga, gusto ko ng tumakas sandali
Napakahirap pasanin mag-isa ang mundo
Napakahirap na parang ako na lang yung tao rito
Walang umaalalay sa bawat araw ng pag-ikot nito
Gusto ko ng pahintuin ito
Gustong-gusto ko ng itigil ang ikot nito
Para saan pa para ipagpatuloy ko pa 'to?
Kung wala ka na sa 'king mundo
Kung hindi ka na kasama rito
Kung hindi ka naparte nito
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...