Magkaiba tayo
H'wag mong ikumpara ang aking proseso sa proseso mo
Hindi mo alam kung gaano ko pinagihirapan araw-araw 'to
Hindi mo alam kung gaano ako kapursigidong maayos ang sarili ko
Magkaiba tayo,
Ilang beses kitang pinaglaban at hindi sinuko
Ilang beses kitang pinagbigyan at pinatawad ko
Samantalang ikaw, wala ka man lang pasabi na iiwanan mo na pala ako
Magkaiba tayo
Sapagkat ikaw ay may bago
Samantalang ako,
ikaw pa rin ang mahal ko
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...