Wala akong masabi
Naging blangko ang aking isip
Hanging malakas sa 'ki'y umihip
Gan'to pala kagrabe
Napakalakas ng epekto
Pag-iwan mo sa 'kin nagpabago
Nakakasira sa 'king ulo
Hindi na talaga normal 'to
Pwede bang tulungan mo ako
Maibalik ang aking sarili sa dating ako
Yung walang sikip sa 'king puso
Sapagkat hindi na 'ko ito
Hindi ko na kilala ang sarili ko
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...