Sa 'yo lang titibok

1 0 0
                                    

Totoo, hindi pa rin ako buo

Napakahirap ng ginagawa ko

Napakahirap makipagtalo

Lalo na kapag ang labanan ay isip laban sa puso

Ano ba ang dapat na susundin ko?

Ano ba ang dapat na pakikinggan ko?

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako

Hindi pa rin ako sigurado

Hindi pa rin ako sigurado kung magiging tama ba ang desisyon ko

Na kalimutan na lang ang lahat, bumitaw na lang sa mga ala-ala

Itigil na ang pagpapantansya sapagkat mas lalo lang itong lumalala pa

Hindi na normal 'to ngunit paano ko nga ba ito maihihinto

Pano ko ba maiihihinto ang aking puso na tumitibok lamang sa 'yo?


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon