Alam mo ba?
Miss na kita
Miss ko ng marinig ang malalakas mong paghilik at mga tawa
Miss ko na yung mga araw na tayong dalawa ay masayang magkasama
Masayang kumakain sa paborito nating karinderya
Masayang nag-aasaran at nagkukulitan habang pinagtitinginan tayo ng iba
Miss ko na yung mga gabi na naglalakad tayo ng sabay sa mahabang kalsada
Sabay tayong umuuwi sa ating tahanan
Sabay tayong nangangarap sa dapat nating bubuohin na sariling pamilya
Ngunit alam kong nagbago ka na
Alam kong may bago ka na
At hindi ko na 'yon maibabalik pa
Hindi na natin 'yon mauulit pa
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...