Sana hinanda mo 'ko

1 0 0
                                    


Ito talagang si tadhana, minsan ay nagloloko

Kaya ayon, binigay sa 'kin yung taong loloko-loko

Binigay ka sa 'kin ng wala man lang pasabi na hindi pa pala ikaw ang tamang tao

Sana man lang sinabihan niya ko na hindi ikaw ang taong itinadhanang maging kabiyak ko

Hindi ikaw yung taong nakatakda para sa puso ko

Ang tadhana ang tinuring kong PAGASA upang ako'y maging handa sa mga tulad mong mapanirang bagyo

Ngunit pati siya ay nabigong bantayan ang mga tulad mong mapanira ng aking iniingatang puso

Grabe ang nasira at nawasak nang sumalanta ka sa lugar ko

Ilang taon pa ang dapat kong gugulin upang maayos ko ulit 'to.

Ilang taon pa ang dapat kong gugugulin upang maayos kong muli ang sarili ko

Kung may balak ka pala na sa una pa lang ay sisirain mo rin ako,

Sana man lang hinanda mo 'ko

Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon