Uulit na naman ako sa simula
Sa simula ng panibagong kabanata
May mga panibagong tao ay aking makikilala
Sa mga susunod kong bubuklatin na pahina
Uulit na naman ako sa simula
Sa simula na tatanungin ko ang pangalan, edad at tirahan
Sa simula na hindi mo alam kung ano ba talaga ang kanilang tunay na pakay
Kumilala ng tao na akala mo hindi ka sasaktan
Pero sa huli pala ay katulad ka rin nila, mang-iiwan
Pagod na 'kong umulit pang muli sa simula
Maaaring bang ikaw na lang ang aking makasama sa buo kong storya?
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...