Sa kanya ka pa rin pala

1 0 0
                                    

Puso ko ay nagkaroon ng pag-asa

Nang makita ko na sa IG story ko ay naka-view ka pala

Halo-halo ang tumatakbo sa imbakan ng ating mga ala-ala

Nagsulputan rito ang mga salitang mahal niya pa ko talaga, at patuloy niya pa rin akong naaalala

Sarili ay hindi makapaniwala sa aking nakita

Puso ay nakaramdam muli ng pag-asa at ligaya

Na sa pagpaparamdam mong muli sa 'kin ay pangitain na pala na ako'y babalikan mo na

Ngunit PANGITain din naman ang aking agad na nakita

Nang inistalk kita sa 'yong IG ay natigilan ako bigla

Ngiti sa aking mga labi ay unti-unting nawawala

Umasa na naman ako sa wala

Akala ko kase single ka na

Akala ko kase nagkasawaan na kayong dalawa

Sa kanya ka pa rin pala


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon