Nais kitang puntahan kung nasaan ka man
Kating-kati na ang aking mga pa ana umalis rito sa 'king kinauupuan
Kating-kati na ang aking mga kamay upang itipa at iparating sa 'yo ang mga salitang "ikaw pa rin talaga"
"Ang hirap mong kalimutan"
Nais ko ng tumawag sa estasyon ng mga presinto upang sa paghahanap sa 'yo ako'y kanilang matulungan
Pero kahit gano'n pa man ay hindi ko pa rin ito magawa
Hindi dahil sa ako'y nahihiya
Kundi dahil sa nalaman kong mayroon na pala sa 'yong nagpapasayang iba
Ayaw na kitang magambala
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...