Oo na mali ako,
Mali akong nasobrahan ako ng pake sa 'yo
Masyado akong nagmalasakit nang pinahiram ko sa 'yo ang aking panyo
Hindi ko pala dapat ibinigay sa 'yo 'yon nang iniwan ka ng dating mahal mo
Hindi pala kita dapat pinuntahan nang kailangan mo ng kasama at susuporta sa 'yo
Mali ako sa parte na binigyan pa kita ng baon kong ulam na adobo noon
Dapat pala inubos ko na lang 'yon kaysa sa tinira ko pa sa 'yo 'yon
Mali ako,
Mali ako na itinuring kitang mundo
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...