"Tama na", "Itigil mo na yan"
Mga salitang madalas kong naririnig sa tuwing napapaluha ako sa harap ng aking mga kaibigan
Mga salitang alam ko naman ngunit nahihirapan akong gawin at simulan
Isang taon na ang nakalilipas, ngunit bakit parang kahapon mo lang ako iniwan?
Isang taon na ang nakalilipas, ngunit bakit parang kahapon mo lang ako binitawan
Sariwang-sariwa at malalim pa rin ang sakit hindi man lang nabawasan
Kaya kahit anong sabi nila sa 'kin na kalimutan ka na sapagkat mayroon ka ng iba
Kahit anong sabi nila sa 'kin na nag mumukha na akong tanga
Wala akong pakialam, ang pagtingin ko ay para sa 'yo lang talaga
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...