Paano kung susubukan natin muli sa pangalawang pagkakataon
Na pagbigyan ang mga ating mga puso na piliin muli itong pagsamahin ngayon
Paano kung pwede pa pa palang maging tayo at mas maging masaya kaysa noon
Paano kung tayo pala talaga ang para sa isa't-isa kung pipilliin lang talaga nating dalawa ang isa't-isa
Paano kung pipiliin nating ayusin kung ano ba talaga ang mali at problema
Paano kung muli tayong magtagpo dalawa
Maibabalik pa kaya ang dati nating masayang pagsasama?
Maibabalik pa kaya ang pag-ibig mo sa 'king nawala na?
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...