Hindi pa ko tapos
Hindi pa ko tapos na ibigin ka
Hindi pa ko tapos na alisin ang mga gamit mong ibinigay mo sa 'kin noon tayo pang dalawa
Hindi pa ko tapos sa pagsusulat ng kwento nating dalawa
Hindi pa ko tapos na isipin ka sa tuwing hatinggabi na
Hindi pa ko tapos na umiyak sa sulok sa tuwing naaalala kita
Hindi pa ko tapos tanungin ang aking sarili kung bakit ka biglang nawala
Marami pang tanong ang wala pang kasagutan
Marami pang saknong ang nais kong masulatan
Marami pang hatinggabi ang aking iiyakan
Bago ang mga ala-ala mo ay tuluyang makalimutan
BINABASA MO ANG
Unsent Words
कविताMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...