Lubusan ko pa ring kinaklaro
Mga bagay na sa atin ay malabo
Pinupunasan ang mga alikabok
Mga alikabok na napadpad sa ating mga litrato
Napakarumi, at unti-unti nang nawawala ang tao
Ang ala-ala ay unti-unti nang pinapawi ng aking hawak na trapo
"Ang saya natin dito" ang tanging nasabi ko sa sarili ko
Na pawa bang mas gusto ko na lang maging litrato
Ngunit sa kabilang banda ay 'di ko inaakalang nasabi ko rin ito
"Nagsayang lang ako"
Nagsayang lang ako ng oras na dapat hindi ko ibinigay sa 'yo
Nagsayang lang ako ng enerhiya, luha na dapat sa gabi ay may maayos akong natutulog
Nagsayang lang ako ng pamasahe tuwing magkikita tayo noon
Nagsayang lang ako ng pagmamahal na dapat binuhos ko na lang sa tamang tao
Nagsayang lang ako, sa 'yo
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...