Hindi ba pwedeng magbigay ka ulit ng tiyansa?

1 0 0
                                    

Alam kong hindi na dapat ipilit pa

Binabasang aklat ay tuluyang natapos na

Dapat nang isara, ngunit hindi ko ito kayang gawin pa

Sa karakter na nakilala, ako'y napamahal ng sobra

Kung kaya't pault-ulit ko 'tong binabalikan at lagi-laging binabasa

Binabasa sa parteng siya'y nagpakilala,

Binabasa sa parteng mas lalong nakilala,

Ngunit may isa lamang akong iniiwasan

At yun yung parte ng katapusan na kung saan siya'y nawala

Sino ba ang may akda nitong storya'

Bakit pawang labis-labis naman kung manakit sa kanyang binibitawang mga salita

Hindi ba pwedeng i-edit na lang o kaya bigyan ulit ng pangalawang bahagi upang mabigyan ulit ito ng saya

Hindi ba pwedeng magbigay ka ulit ng tiyansa?


Unsent WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon