Saka na muna
Saka ko muna buburahin ang litrato nating dalawa
Yung mga litrato nating dalawa na tayo'y magkasama
Saka ko na muna susunugin lahat ng mga sulat mo sa 'kin na hindi ko naman masyadong mabasa
Yung mga sulat mo sa 'kin noon na naging sanhi ng aking pagtawa
Ngunit itong lahat ay sanhi na ngayon ng aking pagluha
Dahil kahit saang parte ng aking bahay ako tumingin ika'y aking naaalala
Paano ba naman kase, nandito ka palagi upang ako ay makasama
Kaya saka na muna
Saka na muna pag ako ay handa na
BINABASA MO ANG
Unsent Words
PoetryMay mga salita tayong nais sabihin ngunit hindi natin kayang maiparating. Mahirap yung sitwasyon na na nais mo ng makalaya mula sa nakaraan ngunit ang nakaraan ay ayaw ka mismong pakawalan. 'Yan ang nararamdaman ng mga taong hindi makausad, mga taon...