[JAXON]
LUNA'S P. O. V
WE'RE on our way to Mr. Frederick's house. Ilang beses muna akong tinanong ni Deth kung ayos na ba ang pakiramdam ko bago kami tuluyang makaalis. Naka-disguise pa rin kami. Si Pareng Hades ang nagmamaneho. Ginawa namin siyang driver dahil itong si Deth ay tumabi sa akin sa likod.
Ang dahilan niya?
'Bakit? Kahit saan naman tayo maupo, hangga't siya ang nagmamaneho, driver ang tawag sa kaniya.'
Which is tama naman. Hays.
"Madali lang kaya nating makukuha kay Sir Frederick ang crystal?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Oo, kukunin lang naman talaga natin," sagot ni Deth.
Bigla nalang tumunog ang phone ni Deth. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago niya sagutin ang tawag. "Yes, we're on our way. What?!" Biglang sigaw niya saka niya tiningnan si Pareng Hades. "Kuya Hades, make it faster. Meron daw mga umaatake kina Sir Fred." Imporma niya.
Napamura si Pareng Hades at sinagad ang speed. Binaba naman ni Deth ang phone at bumuntong-hininga. Kumunot naman ang noo ko nang maalala na patay na si Eric na leader ng WWG kaya sino ang umaatake sa mga ito?
"Hindi ba patay na ang ama ni Brent? Kaya sino 'yung umaatake sa kanila?" Nagtataka kong tanong.
"Tsaka lang natin malalaman ang tungkol diyan pagdating natin do'n," sagot ni Pareng Hades. Nanatili lang ang titig ko kay Deth na parang may malalim na iniisip habang nakatingin sa labas ng bintana. Tinapik ko naman ang kamay niya pero imbis na lingunin ako ay hinawakan niya lang ang kamay ko.
"Luna?" Tawag niya sa akin saka ako nilingon.
"Hmm?"
Hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa kanan kong tenga kaya napahawak ako rito. "Nung nakaraan ko pa pansin ang magnetic stud earring diyan sa kanan mong tenga. Binili mo?"
Nakangiting umiling naman ako. "Nope. Nakita ko lang sa bag ko nung nakaraan tapos naisip kong dalhin at isuot. Alam ko napulot ko lang 'to sa laban namin dati. Sinuot ko kasi bagay sa hairstyle kong pang pogi ang datingan. Mas pogi na nga ako sa inyo ni Pareng Hades, e."
"You-" Hindi na niya natuloy ang pagsigaw niya nang bigla nalang pumreno si Pareng Hades.
Hindi ako nasubsob dahil madali kong naipunta ang lakas ko sa mga paa ko. Dagdag pa rito ang paghawak ni Deth sa braso ko. Binitiwan niya naman kaagad.
"We're here. Get your fucking gun and don't die," may diing sabi ni Pareng Hades saka ikinasa ang baril.
"Wow! Don't die!" Natatawang sigaw ko at pumalakpak pang tumingin kay Deth. "Bagong-bago, hindi ba Deth?"
"Shut up." Pagpapatigil niya sa akin kaya umaktong zinipper ko nalang ang bibig ko.
Ang paborito niyang linya. Namiss ko haha. Baliw na yata talaga ako. Sino'ng baliw ang makakamiss sa 'shut up'? Eh 'di ako! Lunatic naman ako kaya reasonable naman ang inaakto ko. Thanks to Dad haha. Ngayon lang ako nakapagpasalamat.
"Deth, can I borrow your baseball bat?" Tanong ko na ikinataas ng isang kilay niya. Sungit naman ng crush ko.
"Huh?"
Napakamot ako sa batok ko. "Gusto ko matry 'yun. Nakakainggit. Ikaw na sa baril at ako sa baseball bat. Mamaya ko na gagamitin itong mga baril ko sa hita."
"Delikado kung 'yon lang ang hawak mo tsaka hindi ko dinala. Naiwan ko sa-"
"Meron sa likod ng kotse. Nakita ko kani-" Napapikit ako nang makita kong kumuyom ang kamay niya at itinaas pero imbis na kotong, marahang pagtapik lang sa ulo ko ang naramdan ko. "Fine but I'll be at your back to shoot their hand so they can't pull the trigger."
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️