Chapter 4

18.5K 811 807
                                        

"Ako na bahalang magbanlaw niyan, ikaw nalang ang magsampay ng mga ito." rinig kong utos ni lola.

Agad na napalingon ako sa kaniya ngunit ganon nalang ang pagkunot ko ng noo ng makita ko kung anong tinutukoy niyang isasampay ko, ang mga under wear ng mahal niyang alaga.

Nginusuan ko naman siya at bahagyang umiling sa kaniya ngunit tinawanan lang ako ni tanda at inilapit sa akin ang basket na dala dala niya na may lamang mga under wear.

Dalawang linggo na mahigit mula nung ako'y manirahan dito sa bahay ng mag asawang Montero. At nagpapasalamat ako sa may kapal dahil kahit papano ay hindi ako ganong pinapansin ni Miss Veronica pero hindi ko parin maiwasang magtaka dahil parati ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin-i mean nakatitig kapag napapatingin ako sa kaniya.

Lagi tuloy akong napapatingin sa salamin dahil baka may mali sa mukha ko.

Ngunit wala naman.

"Wag na la, ako nalang ang bahalang magbanlaw ng mga ito at ako na din magsasampay ng mga iyan, mas mabuting magpahinga nalang po kayo." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Sigurado ka?" nakataas kilay na tanong nito.

Attitude din si tanda.

"Medyo hindi." sarcastic na pang aasar ko dito.

Gulat na napatayo ako mula sa pagkakaupo ng biglang binato sa akin ni tanda ang suot suot niya lang kanikanina na tinyelas. Natatawang napatakbo ako at napatago ako sa likod ng pinto ng akmang ibabato niya ulit sa akin ang isa pang kaparehas ng kaniyang tinyelas.

"Siraulo! Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo!" bulalas pa nito bago magmartsang umalis.

Napailing nalang ako at nakapamewang na napatitig ako doon sa laman ng basket. Ilang beses pa akong bumugtong hininga bago ko napagpasyahan na isampay nalang muna iyon.

Walang gana akong nagtungo sa likod ng bahay dahil doon nagsasampay si tanda, ngunit natigilan ako mula sa paglalakad at napapangiti na napatitig sa mag ina na masayang nagkukulitan sa may swimming pool.

Napakaganda niya lalo na kapag totoo ang kanyang mga ngiti.

Halos araw-araw kong nakikita at nasasaksiyahan ang kanyang mga ngiti ngunit mapapansin mo na hindi totoo ang mga iyon, lalo na kung mapapatingin ka sa mga mata nito. ika nga nila eyes can't lie.

Masyadong malungkot ang kanyang mga mata na kahit ako ay nakakaramdam ng kalungkutan para sa kaniya.

Agad akong napatalikod ng makita kong napabaling ang tingin sa akin ni Miss Veronica. Napabugtong hininga nalang ako bago ko gawin ang dapat gawin.

Nanigas ang buong katwan ko at bahagyang natigilan sa ginagawa ko ng makarinig ako na may tumikhim mula sa likod ko, mabilis na inayos ko ang sarili ko bago walang emosyon na lumimgon ako dito ngunit ang nakangising mukha lang niya ang aking naabutan ko.

Mabilis na kumalat ang pamumula sa buong mukha ko at batid ko din na pati ang tenga ko ay namumula na rin dahil napansin kong mas lumawak ang ngisi nito ng makita kung anong hawak hawak ko.

Agad na napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nanginginig na ipinagpatuloy ang aking ginagawang pagsasampay. Napakagat labi nalang ako ng marinig ko ang mahinang tawa nito na nagpapagulo sa buong pagkatao ko.

Gulat na napaigtad ako ng maramdaman ko na pumulupot ang mga braso nito sa bewang ko at mahigpit na niyakap ako habang nakasiksik ang mukha nito sa gilid ng leeg ko.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at lumalalim narin ang paghinga ko dahil sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman.

"You smell so good."

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon