Chapter 14

14.6K 657 876
                                    

Veronica

"Nanay Sonya? Kailan po babalik si ate Lincoln dito? I really miss her na po kasi." My daughter suddenly asked

Sabay na napabaling ang atensyon naming dalawa ni manang dahil biglang nagsalita ang anak ko sa kalagitnaan ng tahimik naming pag aagahan, napabugtong hininga nalang ako ng makita kong malungkot na nakatingin lang sa pagkain ang anak ko.

Nagkatinginan naman kami ni manang at napaamang nalang ako ng irapan ako nito at bago pilit ngiting binalingan ulit ang anak ko.

"Babalik din si ate Lincoln mo, may kailangan lang siyang gawin kaya wala siya dito." sabi pa nito at hinaplos ang ulo ng anak ko.

"Ano po?" malungkot paring tanong ng anak ko.

"A-Ah, ano--"

"Baby, tama na ang katatanong okay? Kumain ka nalang diyan." nginitian ko pa ito ngunit ngumuso lang siya.

"But-why did my ate Lincoln leave without letting me know? Are you two fighting po ba? What did you do to ate Lincoln, mommy?"

Napaamang naman ako dahil sa tanong niya, narinig ko pa ang mahinang tawa ni manang ngunit nasa anak ko lang ang atensyon ko na nagsisimula nang lumuha.

"Baby--" 

Lalapitan ko na sana ito ngunit agad na umiiyak na tumakbo na siya palayo sa amin, wala akong nagawa kundi malungkot na bumugtong hininga nalang.

Hindi ko alam kung anong sasabihin at kailangang ipaliwanag sa anak ko para lang matigil siya sa kakahanap at kakatanong kay Eunice.

Isang linggo na magmula nung umalis si Eunice dito sa bahay, hindi ko naman alam na literal na lalayuan niya na talaga ako-kami ng anak ko. Nakakalungkot lang dahil pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko na siya naabutan pa, umalis nalang siya ng walang paalam.

Bakit nga ba mag papaalam pa siya sa akin diba? Sinaktan ko siya kaya, ano naman kung umalis siya ng walang paalam diba?

Nakakainis lang dahil sa school na nga lang yung paraan para makita ko siya, ang kaso lang ay parating wala naman sa akin ang atensyon niya. Kung hindi nasa bintana nasa librong binabasa naman niya. Hindi na siya nakikinig sa discussion ko kaya dahil sa inis na nararamdaman ko ay palagi ko siyang tinatawag para mag recite, pero dahil matalino talaga si Eunice walang kahit isang tanong ang hindi niya nasasagot.

Naiinis ako at nakakagakit dahil hindi niya ako matignan kung paano niya ako tignan noon!

Argh!!!

I hate you Eunice!!!

**********

Excited akong naglalakad ngayon sa hallway dahil papunta na ako ngayon sa room nila Eunice, makikita ko na ulit siya.

Miss na miss kona siya.

Agad na napahinto sa paglalalad at nawalan ng emosyon ang mukha ko ng makita ko sa tapat ng room nila ang pinsan kong papansin, kasama nito si Eunice ngayon at mukhang masaya pa silang nag uusap.

Madiin na nakuyom ko ang kamao ng may makita akong hindi kaaya-aya sa aking paningin. Hinalikan lang naman ng pinsan ko si Eunice sa magkabilang pisnge at hinayaan lang ni Eunice na gawin sa kaniya iyon!

Akala ko ba gusto mo ako?! Bakit nagpapahalik ka sa iba?! I hate Astoveza! I really really hate you!!

Galit na galit na nilapitan ko agad ng makita kong pumasok na sa room nila si Eunice, halos umasok naman ang ilong ko sa galit dahil nakita ko pa ang pinsan ko na may malawak na ngiti na nakapaskil sa labi.

Sarap durugin ng labi!

"Cassandra." malamig na tawag ko dito.

Agad naman na napalingon ito sa akin ngunit mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito na animong nang aasar na naman.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon