Ito na ang isa pang ud mga mare, wag na kayong magalit, uwu!!===============
Lincoln
"Grabe kana girl! Bongga mo naman! Tatay mo pala yung yummy na owner nitong University!"
Inis na napaikot ako ng mata dahil sa ingay ng bunganga ni bakla, palabas na kami ngayon Convention hall at inis na kinukunutan ko ng noo ang mga taong kanina pa akong pinagtitinginan at pinagbubulungan.
"Pwede pa bang mag apply biglang step-mom mo?" malandi pang hinaplos ni bakla ang braso ko.
"No, thanks." walang ganang sagot ko sa kaniya.
Agad naman na napanguso ito samantalang tinawanan lang siya ni Julius. Iginala ko ang aking paningin upang hanapin si dad ngunit napasinghal nalang ako ng hindi ko na ito mahagilap pa.
Ang bilis.
"Sino ba yang hinahanap mo?" tanong pa ni Julius.
"Oo nga, kanina kapa palinga linga."
Mabilis na umiling naman ako sa kanila at maliit na nginitian sila bilang tugon, agad naman na senensyasan ko si Russell na lumapit sa akin ng makita ko ito mula sa hindi kalayuan habang nakatingin sa akin.
"Russell? Nasaan si Dad?" agad na bungad na tanong ko dito.
"Paalis na po ata, madam." magalang na sagot nito sa akin.
Narinig ko naman ang bulungan nung dalawa kong tangang kaibigan na kung bakit daw Russell lang ang tawag ko sa professor namin. Napatampal nalang ako ng mahina sa noo dahil nakalimutan kong nasa University pa pala kami. Naiiling naman na mahinang natawa si Miss Russell.
Si Russell kasi ang personal bodyguard, inutusan siya ni dad na bantayan ako ngunit dahil ayoko ng may palaging nakabuntot sa akin at dahil mas loyal din naman si Russell sa akin kesa kay dad ay wala na siyang nagiging trabaho pa, pero may tuloy tuloy parin ang sweldo niya.
Mautak din ang isang ito ee..
Agad naman na napatakbo ako paalis ng hindi nag papaalam sa kanila, narinig ko pa ang sigaw nung dalawa ngunit hindi kona sila pinansin pa.
May kailangan pa akong kumpirmahin.
"Dad!" agad na sigaw ko ng makita ko itong sasakay na sa loob ng sasakyan niya.
Nakangising nilingon naman ako nito bago niya ibinukas ang braso niya na animong nanghihingi ng yakap, inirapan ko lang ito na siyang kinatawa niya.
Tumaaa naman agad ang kilay nito ng mapansin niya atang seryoso lang akong nakatingin na sa kaniya.
"Oh? Bakit? Anong problema?" nakangising tanong pa nito.
"Tapatin mo nga ako dad--"
Inis na napairap ako ng bigla itong tumawa ng mahina na animong may nakakatawa sa mukha ko.
"Ang seryoso naman ata ng bunso ko? Ano bang dapat kong ipagtapat sayo mahal kong reyna?" napangiwi nalang ako ng nang aasar na yumuko pa ito na animong isa talaga akong reyna.
"Dad!" naiinis na ungot ko dito, bahagya naman itong natawa. Kainis.
"Okay, seryoso na. Bakit ba? Anong kailangan mo sa iyong ama?" seryosong nag cross arm pa ito sa harap ko ngunit alam ko na nang aasar parin ito.
Inirapan ko muna siya bago mag cross arm din sa harap niya at malalim na bumugtong hininga.
"Ikaw ba ang pumatay kay Sir Chris?" deretsong tanong ko sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Lãng mạn2 Lincoln Eunice Astoveza lived a quiet life-books, classes, silence. She kept to herself, never stepping out of line, never drawing attention. Everything was calm... until one of their professors unexpectedly passed away, and someone new took the s...