Chapter 10

24.3K 849 1.1K
                                        

Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

==============

Lincoln Eunice

Nagising ako na may hindi maalis na ngiti sa aking mga labi. Ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana ko ay hindi na kasing hapdi ng kahapon, sa halip, tila ba sumasabay ito sa gaan ng pakiramdam ko. Ang bawat alaala ng nangyari kagabi, ang bawat haplos, ang bawat hininga, at ang huling halik na iyon, ay parang pelikulang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Feeling ko, may sarili akong background music habang bumabangon.

Dahil sa sobrang sigla, maaga akong bumaba para magluto. Isang malaking himala dahil madalas ay kailangan pa akong kaladkarin ni Lola palabas ng kumot. Pero ngayon? I felt like I could conquer the world, or at least, the kitchen.

​"Isang malaking himala yata na nauna ka pang nagising ngayon kaysa sa akin?"

Nakangising nilingon ko si Tanda. Nakapamewang siya sa pinto ng kusina, ang kaniyang mga mata ay naniningkit na parang sinusuri ang bawat hibla ng pagkatao ko kung ako nga ba talaga ang kaharap niya. Investigating the sudden change of heart, I guess.

​"Good morning, mahal kong lola! Ang ganda ng gising natin, 'no?" masiglang bati ko sa kaniya habang mahusay na nagpiprito ng bacon. The sizzle of the meat sounded like applause to my ears.

​Lihim akong natawa nang makita kong lalong kumunot ang kaniyang noo. Animong hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Anong meron sa araw na ito at parang nanalo ka sa lotto? Masaya ang apo ko, at masaya pang nagluluto? Are you okay, Lincoln? Baka may lagnat ka?"

​Tinawanan ko lang siya bago ko pinatay ang kalan. Inilipat ko ang niluto ko sa isang malinis na plato habang ang isip ko ay lumilipad na naman sa mesa ng kusina kagabi. The intimacy was still lingering on my skin.

"Masarap..." bulong ko sa sarili ko.

Bigla akong natigilan. Napangisi ako nang marealize kong iba ang pumasok sa isip ko. Gosh, Lincoln, ang aga-aga pa para sa maruming utak. Clean thoughts only, please.

​"Masarap ang alin?" nakataas ang kilay na tanong ni Tanda, tila nahuli ang biglaang pagbabago ng expression ko.

"Masarap po ang tulog ko! Ganoon lang po 'yun, La. Don't overthink it," natatawang sagot ko sabay hain ng almusal sa lamesa.

Mukhang hindi siya kumbinsido. Umupo siya at kumuha ng tinapay pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. "Pero 'yung mukha mo kagabi, parang nalugi ka na ewan. Akala ko ba brokenhearted ka? Ngayon, para kang nakainom ng kape na may kasamang ecstasy sa sobrang hyper."

Natatawang nilingon ko siya habang nagtitimpla ako ng sarili kong inumin. "Kagabi pa naman 'yon, Tanda. Nalipasan na ng oras. Hindi naman porket malungkot ako kagabi ay dapat bitbit ko pa rin 'yun hanggang ngayong umaga, 'di ba? Life goes on. New day, new vibes."

"Sabagay," sagot na lang niya at sinimulan na akong tulungan sa pag-aayos ng mga kubyertos. "Basta 'wag mong bibiglain ang sarili mo. Baka mamaya ay bigla ka na namang mag-drama, mahirap na."

​Napailing na lang ako. Habang nag-aayos kami, umilaw at tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Napangiwi ako nang makita ko ang sunod-sunod na notification.

Julius Mariano

Unsint a message.

Unsint a message.

Ay sorry, wrong sint.

Can't Help Falling Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon