Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.
================
Lincoln Eunice
"Do we have any more questions regarding our discussion earlier? Please, feel free to ask while we still have some time left. Don't be shy," nakangiting tanong ni Miss Veronica habang dahan-dahang nililibot ang paningin sa buong classroom.
Actually, kanina pa ako nabubuwisit sa pagngiti-ngiti niya. She looks radiant, glowing, and genuinely happy, at ang nakakairita doon ay ang katotohanang alam kong hindi ako ang dahilan. She’s acting as if everything is perfectly fine, as if the tension between us doesn't exist. Hindi rin siya tumitingin sa gawi ko, ni isang sulyap o sadyang pag-iwas, wala. Para lang akong isang regular na upuan sa room na ito na bahagi ng background.
Ito ako ngayon, kanina pa wala sa mood kahit siya pa ang professor namin. Like, hello? Ngingiti ka nang ganyan tapos hindi man lang ako ang motivation mo? Mali 'yun! Strategic Management ang subject natin, pero bakit parang ako ang nawalan ng strategy kung paano kukunin ang atensyon mo? Why does it feel like I’m the one failing at my own game plan?
Napasimangot na lang ako at lihim na napapairap sa tuwing tatalikod siya para magburado o magsulat sa white board. Every time the chalk hits the board, parang pati yung pasensya ko nabubura. Nakakawalang-gana.
Kapag ako umiyak dito.
"So, no more clarifications? I assume everyone thoroughly understood the concept of Corporate Level Strategy?" nakangiti na namang tanong nito.
"Yes po!" sabay-sabay na sagot ng mga blockmates ko na parang mga asong sunod-sunuran sa charms niya.
"Good. Because I expect a well-written analysis on our next meeting. I want you to be critical and precise," she added, her voice smooth and professional.
Napatango-tango pa siya, mukhang kuntento sa sagot ng klase. Magsasalita sana siya ulit para siguro i-dismiss na kami, pero bigla siyang natigilan nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa niya. She took it out, at nakita ko kung paano nag-transform ang mukha niya, mula sa pagiging professional professor tungo sa isang babaeng parang kinikilig na ewan. Napangiti siya nang malaki habang nakatingin sa screen.
Huh?! Sino 'yan?! Si Chris ba 'yan?
The jealousy in my chest flared up like an uncontrolled wildfire. Nakakainis. Bakit kailangang sa harap ko pa siya mag-beam nang ganyan dahil sa isang text or call?
"Wait for a second, class. I really need to take this call. Since we’re basically done with the lecture, you may start packing your things," paalam niya. She didn't even wait for us to respond. Nakangiti niyang inilagay ang cellphone sa tenga niya. "Hello? Yes, I'm just finishing up my class. Why? Did you arrive early?"
My jaw dropped. Did you arrive early? Sinong susundo sa kaniya?
Sa sobrang inis ko, hindi ko namalayang napapadyak na pala ako sa sahig. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa ilalim ng desk ko, sapat na para marinig ng dalawa kong tanga pero mapagmatyag na kaibigan.
"Ouch, narinig niyo 'yun? Parang may pusong nag-crack," bulong ni Cardozo, sapat na para marinig ko.
Biglang humarap sa akin si bakla at nagsimulang kumanta sa mahinang boses, pero puno ng pang-aasar, matching his hand gestures like a backup singer.
"Kung sino-sino pang tinatawag mo... Nandito lang naman ako..."
Inis na nilingon ko siya at pinanlakihan ng mga mata. "Tumigil ka nga, Cardozo. Hindi nakakatawa."
