"Goodmorning ate Lincoln!"
Agad na napangiti ako ng magiliw na batiin ako ng batang makulit ng makarating ako ng kusina.
Agad naman na hinanahap ko ng mga mata ko si Miss Veronica ngunit agad na bumagsak ang bakilat ko ng hindi ko siya mahagilap. Ngumiti naman ako sa batang makulit ng mapansin kong nakatitig ito sa akin.
"Goodmorning princess." nakangiting bati ko din dito.
Nilapitan ko naman si tanda na busy sa pagluluto at binati, natawa nalang ako ng taasan lang ako nito ng kilay bago irapan.
Nakangiting tinabihan ko naman ang batang makulit mula sa kaniyang kinauupuan kaya agad na yumakap ito sa akin patagilid at humalik sa aking pisnge.
"T-Tulog pa ba ang mommy mo?" alanganing tanong ko sa batang makulit.
Napakagat labi nalang ako ng maramdaman kong lumingon sa gawi namin si tanda. Naalala ko kasi yung sinabi niya sa akin kagabi, akala ko tulog na siya ng makapasok ako sa aming kwarto ngunit agad na namutla ako nun dahil walang buhay siyang nakatingin sa binta kung saan kitang kita ang puwesto namin kagabi ni Miss Veronica na kung saan kami ay magkayakap. hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil mukang may alam na siya sa nararamdaman ko.
"Wag mong hayaan na makapasok ka sa mundo niya dahil ayokong makita na umiiyak ka..." ayan mismo ang sinabi niya.
Simpleng salita ngunit nagpakaba sa akin, wala kasing kabuhay buhay ang mga mata ni tanda nun, hindi ako sanay na ganon siya.
"Kanina pa po umalis, kasabay po si daddy." nakangiting sagot ng batang makulit habang nakatitig sa akin.
Agad naman akong nalungkot ng marinig ang sinabi niya ngunit pilit parin akong ngumiti sa harap niya bago mag iwas ng tingin. Feeling ko talaga iniiwasan niya na talaga ako.
Pagkatapos ko kasing sabihin ang huling kataga na sinabi ko kagabi ay agad siyang umalis sa pagkakayakap sa akin, tandang tanda ko pa na wala siyang kaemo-emosyon nun na tinignan lang ako bago walang sali-salitang iniwan ako na malungkot na nakatanaw lang sa kaniya.
Malungkot at masakit, wala naman akong intensyon na siraan ang pamilya na binuo nila, gusto ko lang naman na malaman niya kung anong nararamdaman ko sa kaniya.
Pero alam ko na nasa akin ang mali kaya ngayon alam ko na iniiwasan niya ako.
Ang tanga ko kasi!
Napabugtong hininga nalang ako, walang gana lang akong kumakain at mukang nararamdaman ni tanda at ng batang makulit iyon dahil panay sulyap ng mga ito sa akin. Nginingitian ko nalang sila ng pilit upang wag silang mag alala sa akin.
"Mag iingat ka." pilit naman na nginitian ko si tanda.
"Opo." walang ganang sagot ko.
Agad naman na tinanguan niya ako at dahan dahang sinarado na ang gate ng bahay ni Miss Veronica.
Nakita ko naman agad si Julius na malawak na nakangiti sa akin, nagtaka pa ito ng makita ang itsura ko. Magtatanong na sana ito ngunit agad na nilagpasan ko siya at nagtungo sa sasakyan niya.
"Alam mo, ang panget mo na nga tapos nakasimangot kapa? Edi mas lalo kang pumanget niyan." rinig ko pang sabi nito ng makapasok na siya ng sasakyan niya.
Hindi ko naman ito inimikan kaya malalim na napabugtong hininga nalang siya bago paandarin ang sasakyan niya.
"Ano bang problema?"
Lihim nalang akong natawa dahil hindi na naman nakatiis si tanga na hindi manahimik, maramdaman ko pang sumulyap ito sandli sa akin.
"Wala naman." walang ganang sagot ko habang naaa bintana lang nag tingin.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...