CAN'T HELP FALLING
Nakatayo ako sa dulo ng altar na gawa sa puting marmol, suot ang aking pasadyang puting suit mula sa isang kilalang designer dito sa Italy. The fabric felt cool against my skin, pero ang loob ko ay tila nagbabaga sa halo-halong kaba at excitement. I looked at my reflection sa isang bintana ng villa sa gilid, mahaba ang buhok ko, maayos ang pagkaka-style, at ang mga mata ko ay may kinang na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.
"Hoy, Eunice Lincoln. Huminga ka. Namumutla ka na naman," biro ni Ate Sazch sa tabi ko. Siya ang aking Best Woman, at gaya ng inaasahan, napakaganda niya sa kaniyang champagne-colored dress suit.
"Ate, totoo ba 'to? Parang panaginip lang lahat," bulong ko. Hinawakan ni Ate Sazch ang balikat ko at pinisil ito nang mahigpit.
"It’s real, baby sis. You fought for this. You fought for her. And today, you win," sagot niya, bahagya akong nginitian.
The venue was perfect. Isang rustic villa sa gitna ng Tuscany, napapaligiran ng mga vineyard na tila ba walang katapusan ang lawak. The golden hour was hitting the hills just right, giving everything a warm, cinematic glow. Sa harapang hilera, nakita ko si Daddy at Mommy na nakangiti sa akin, isang bihirang pagkakataon na makita sila na ganoon ka-relaxed at proud. Katabi ni Daddy si Tita Freya, si Mommy naman nasa kabilang dulo malayo sa kanila.
Sa kabilang side, nandoon ang kapatid ni Veronica at ang bitch squad nina Zera. Ang iingay nila, pero sa totoo lang, sila ang nagbigay ng kulay sa maghapong ito. Kitang-kita ang support nila.
Then, the music shifted. Ang tunog ng mga violin ay nagsimulang tumugtog ng isang orchestral version ng kantang Can't Help Falling In Love.
Doon na nagsimulang maglakad ang aming Flower Girl at Ring Bearer, si Vanessa. Ang aming munting anghel. She was wearing a miniature version of a wedding gown, with a flower crown made of lavender and baby's breath. She held a small velvet box tightly in her hands. Pagkakita niya sa akin, lumaki ang ngiti niya at kumaway pa siya nang palihim.
I mouthed, "I love you, baby," at tumango naman siya bago nagpatuloy sa paglalakad nang dahan-dahan.
And then, everything went still.
The massive wooden doors of the villa garden opened, and there she was.
Veronica.
My love.
My breath hitched. Literal na tumigil ang mundo ko. She was wearing a mermaid-cut gown with intricate lace details that shimmered under the Italian sun. Her long, dark hair was styled in soft waves, and her veil was dancing with the wind. Pero higit sa damit at sa ganda ng paligid, ang mga mata niya ang bumasag sa akin. Those eyes, the same eyes that I couldn't help falling for from the very first day.
Lahat ng sakit noong una kaming nagtago, lahat ng takot noong akala namin ay hindi kami matatanggap ng mundo, nawala lahat 'yun sa isang iglap.
Dahan-dahan siyang naglakad sa aisle, kasabay ang kaniyang mga magulang. Bawat hakbang niya ay parang musika sa pandinig ko. Nang makarating siya sa harap ko, kinuha ko ang kamay niya mula sa kaniyang ama. Her hand was trembling, and so was mine.
"You look... divine," I whispered, my voice cracking.
"And you look like my forever," she replied, her eyes welling up with tears.
The ceremony was intimate and soulful. But the part that really mattered was the exchange of vows. I took a deep breath, looking straight into her soul.
"Veronica," panimula ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha. "When I first met you, I was a person who lived in the shadows. I was afraid to be myself, afraid to love someone as deeply as I love you. For a long time, I tried to fight it. Sabi ko sa sarili ko, hindi pwede. Hindi dapat. But like the song says, some things are meant to be. I couldn't help falling for you."
