Sisihin niyo po si Converge kung bakit ilang araw akong hindi nakapag ud😭😭
*****
Anyways, belated happy birthday mareng DonBelle234 labyou!
======================
Veronica
"Veron, iurong mo ang demanda laban kay Lincoln Juarez."
Hindi makapaniwalang napalingon ako kay Cedric ( tito nila Elijah at Jeremiah, ang kinikilalalang tatay ni Chris.)
Hindi makapaniwalang tinignan ko pa ito dahil sa sinabi niya ngunit seryoso lang itong nakatingin sa akin.
Nandito ako ngayon sa bahay niya dahil pinapunta niya ako rito kasi may mahalaga daw kaming pag usapan. Ito lang ba yung pag uusapan namin? Ang Iurong ang kaso laban kay Eunice? What the hell? Anong iniisip nito?
"Hindi ko gagawin yan, pinatay niya--"
"Hindi siya ang pumatay." putol agad nito.
Napaamang naman ako dahil sa sinabi niya ngunit mas pinaseryoso lang ako nito ang tingin sa akin bago naiiling na maupo sa harap ko.
Ano bang trip ng lalaking ito at hindi ko siya maintindihan ngayon?
"Ano bang sinasabi mo? Hello? Inamin niya sa mismong harap ko pa.. na siya ang pumatay kay Chris." nagtitimping pahayag ko.
Umiling naman agad ito kaya malakas na nasinghal ako.
"Kinausap kami ng panganay na anak ni Vladimir Juarez, inamin niya samin na siya ang tunay na pumatay sa anak ko."
"What the--?!" gulat na bulalas ko.
Huminga muna ito ng malalim dahil mukang nahihirapan siyang magpaliwanag sa akin. Akmang magsasalita ulit ulit ng mabilis akong sumabat sa kaniya.
"Baka naman pinagtatakpan lang nila--"
"Hindi." mataray na sabat din agad nito sa akin.
"Inamin niya Veron at may video siyang pinanood sa amin bilang patunay."
Nakunot ko ang aking noo ng may inilapag siyang isang cellphone sa harap ko, kahit nalilito ako ay dahan dahan ko rin naman itong dinampot ngunit agad na nabitawan ko rin ito ng makita ko ang nakangising mukha nung babaeng nagbanta sa akin na siya daw ang papatay sa akin.
Kitang kita sa video kung paano niya pinagsasaksak ang wala na atang buhay ni Chris.
"Nakakaiyak at nakakagalit yung ginawa niya, kung paano niya muna pinahirapan ang anak ko bago niya pinatay.. Mali yun ngunit.. hindi ko rin naman siguro siya masisi." malungkot itong napabugtong hininga.
Inis naman na nilapitan ko ito para sinampal ko siya ng malakas dahil sa katangahan na sinasabi niya. Anong hindi niya rin masisi? Ayos lang na ganon namatay ang anak niya?
Gulat na napahawak siya sa pisnge kung saan ko siya sinampal, inis na inirapan ako nito at malungkot parin na bumugtong hininga.
"Naikwento niya rin sa amin, na sinaktan ni Chris ang bunsong kapatid niya."
Natahimik naman ako at hindi na nakapagsalita pa dahil sa sinabi niya. Narinig ko ulit ang bugtong hininga nito bago ulit siya magsalita.
"Naalala mo ba yung babaeng tunay na karelasyon ni Chris, dati?" tanong pa nito.
Napatango tango naman ako bilang tugon sa kaniya, naalala ko ang babaeng iyon. Nung una ay hindi ko alam na may karelasyon pala si Chris nung panahon na inaakit ko siya dahil sa galit ko kay Jeremiah at ang gago ay nagpapa akit din naman, buntis na ako ng malaman ko na may nabuntis din pala siyang iba at iyon ang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...