"Please, Russell--"
"Ang kulit mo naman, eh! Bakit ba ang tahimik na buhay ko naman ang ginugulo mo ngayon?! Bored kana ba?!" naiinis na napakamunot pa ito sa ulo nito.
Nandito ako ngayon ulit sa office nitong ni Russell, yes! ulit, ilang araw ko na siguro siyang binabalikbalikan para kulitin.
Nalaman ko kasi kay manang Sonya nung nakaraang linggo na siya lang kilala niya na pwedeng kong mapagtanungan kung nasaan si Lincoln, ilang oras kona siyang kinukulit at ginugulo dito sa office niya ngunit hindi man lang niya ako binigayan ng kahit katiting na sagot kung nasaan nga ba si Eunice.
Kahit clue man lang, wala.
Nawawalan na ako ng pag asa, gusto ko nang sumuko, nakakapanghina ang lahat ng nangyayari. ilang buwan na siyang hindi pumapasok, ilang buwan ko na siyang hindi na kikita at nakakasama. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang makita siya, gustong gusto kona siyang makita ngunit hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap.
"Please, babayaran kita sabihin mo lang sa akin kung nasaan si Eunice, name your price--"
"Hoy! Anong akala mo sa akin mukang akong pera? Well.. Medyo lang naman pero-- hindi mo ata kilala ang amo ko, kayang kaya niyang doublehin yung ibabayad mo kapag nalaman niya yang ginagawa mong pangungulit sa akin, wag ko lang sabihin sayo kung nasaan siya..." nagmamalaking ngumisi ito sa harap ko bago ako irapan.
"Dodoublehin ko din kung magkano ang ibabayad niya sayo, sabihin mo lang--"
"Edi dodoublehin niya lang din ulit ang ibabayad mo sa akin! Tapos dodoublehin mo ulit-tapos dodoublehin na naman niya, aba! Mygad! yayaman ata ako sa inyo niyan!" namamangha pa itong pumalakpak.
Pagod naman na naibagsak ko ang balikat ko, siya nalang ang pag asa ko ngunit ayaw niyang makisama. Ano bang dapat kong gawin?
Walang araw na hindi ko siya iniisip kahit parang nakalimutan na niya ako.
"Wag ako ang guluhin mo dahil kay Madam Lincoln lang ang aking loyalty." ngumisi muna ito sa akin bago ibalik ang atensyon sa ginagawa niya sa laptop niya.
"Please--"
"Ang kulit-kulit! Ilang beses ka bang inere ng nanay mo?! Ha?! Mahirap bang intindi na hindi ko nga pwedeng sabihin?"
Napahilot pa ito sa sintido niya na animong isa akong problema sa kaniya, inis na nag angat ito sa akin ng tingin ngunit agad din siyang napaiwas ng tingin marahil ay nakita niyang lumuluha na ako.
Napapagod na ako, kahit yung mga kinuha kong detective hindi nila maturo sa akin kung nasaan ang mahal ko.
Nakakapagod at nakakapanghinayang ang mga oras at araw na nasasayang lang.
"I-I'm begging you--"
"Kahit iyakan mo pa ako magdamag, kahit bumaha pa ng luha dito ngayon. Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi talaga pwede." determenadong sabi naman nito.
Napabugtong hininga nalang ako at mabilis na inayos ang sarili ko bago walang ganang tumayo na. Babalik nalang ulit ako bukas or mamaya.
Magpapahinga lang ako.
Hahanapin parin kita kapag parang wala nang pag asa.
Palabas na sana ako ng office niya ng marinig ko na nagsalita ito.
"Hindi ko man pwedeng sabihin sayo kung nasaan siya pero bibigyan naman kita ng option na pwede mong pagtanungan."
Agad na napaharap ako muli kay Russell dahil sa sinabi niya, nakangisi na ito at naka cross arm na nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 Lincoln Eunice Astoveza lived a quiet life-books, classes, silence. She kept to herself, never stepping out of line, never drawing attention. Everything was calm... until one of their professors unexpectedly passed away, and someone new took the s...