Chapter 28

21.4K 766 613
                                        

Lincoln Eunice

​"Sige na kasiiiiiiii!!! Gala na tayooo!!! Lincoln, please! Kahit saan mo pa gustong pumunta, hindi na ako aangal, promise! Cross my heart, padlock susi, itapon ang key sa dagat!"

​Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na itong nangungulit sa akin. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit ang kanta. Kung may award lang para sa pagiging pinakamakulit na tao sa balat ng lupa, siguradong si Zera na ang tatanggap ng trophy, pati na ang runner-up awards.

"Zera–"

"Kahit saan mo ako dalahen–"

​"Tinatamad nga kasi ako ngayon, Zera! Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang bumalik tayo galing Japan, pagpahingain mo naman 'yung visa ko!" naiinis na bulalas ko sa kaniya.

​Kanina pa niya ako ginugulo. Hindi, mula pa pala kahapon pagkauwi niya galing sa University, gala na agad ang bukambibig niya. Nanggigil na ako sa kaniya, to be honest. Ang sakit niya sa ulo, 'yung tipong bawat salitang lumalabas sa bibig niya, parang may kasamang martilyo na pumupukpok sa bungo ko.

Buti na lang talaga at iisa lang ang ulo ko, kung dalawa ito, baka pareho nang sumabog.

​Naglilinis ako ngayon ng swimming pool. Hawak ko ang mahabang net at dahan-dahang tinatanggal ang mga tuyong dahon na lumulutang sa asul na tubig. Wala lang akong magawa, at ang paglilinis ay ang tanging paraan para kumalma ang isip ko. Pero itong si Zera, nakaupo sa bandang silong malapit lang sa puwesto ko, parang langaw na ayaw umalis.

​"Hoyyyyyy!!! Sige na kasi---GAGO KA!" naiinis na sigaw niya at bahagyang napatalon palayo nang sadya ko siyang sabuyan ng tubig gamit ang net.

​Inis na inikutan ko lang siya ng mga mata at muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa ko. Pero parang wala siyang naramdamang banta. Maya-maya, narinig ko na naman ang mahihina niyang ungot at bulong.

​"Ano ba?! Kung gusto mong gumala, edi gumala ka mag-isa! May kotse ka naman, may card ka na rin na galing sa akin, bakit kailangan mo pa ako?" naiinis na bulyaw ko ulit sa kaniya.

​Nginusuan niya ako at animong namomroblemang napakamot sa kaniyang ulo. Ano ba talagang problema ng gagang ito? Para siyang batang hindi pinayagang lumabas ng bahay kahit linggo naman.

​"Gusto ko may kasama eh... boring kaya mag-mall mag-isa. Walang taga-bitbit ng bags ko at walang taga-picture sa akin para sa IG," nakangusong sabi niya habang nagpapakyut sa harap ko.

​Inis na napasinghal ako at napatingin sa loob ng bahay para humanap ng madadamay.

​"Gusto mo pala ng kasama eh... Ayon oh! Ayain mo si Ate!" nakangising itinuro ko ang direksyon ng living room nang makita ko si Ate Sazch na papasok sa paningin namin.

​Napangisi ako nang malaki nang mapansin ko ang ayos ni Ate. Naka-black sports bra lang siya at fitted cycling shorts, revealing her toned abs and long, porcelain legs. Para siyang model ng isang high-end fitness brand kung maglakad. May hawak siyang bote ng malamig na tubig at dahan-dahang uminom habang ang tingin niya ay direktang nakapako kay Zera.

​Mala-predator ang tingin ni Ate Sazch. Huminto siya sa may glass door, sadyang idiniin ang likod para mas lalong bumakat ang kurba ng kaniyang katawan. Hinayaan niya ring may tumulong tubig mula sa gilid ng labi niya pababa sa kaniyang leeg, isang eksenang pang-commercial ng sabon sa sobrang hot.

Tanginang 'yan.

​Pero ang target? Si Zera. At ang reaksyon ni Zera?
​Walang gana lang itong sumulyap kay Ate Sazch. Bahagyang umasim ang mukha ni Zera nang makita si Ate bago siya walang pakialam na nag-iwas ng tingin at muling binalingan ang kaniyang kuko.

Can't Help Falling Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon