Veronica
"That's all for today, Class dismiss." nakangiting sabi ko sa kanila.
Agad na inayos ko ang gamit ko ng makita kong nagsimula na ding ayusin ng mga studyante ko ang gamit nila bago lumabas.
"Goodbye Miss." nakangiting paalam ng ilan.
"Yeah, see you tomorrow."
Nginitian at kumaway pa ako sa kanila, nang masiguro kong nakalabas na ang lahat ay saka lang ako lumabas ng room.
Pasipol sipol lang akong naglalakad sa hallway ng may maaninag akong pamilyar na bulto sa hindi kalayuan, mas binilisan ko naman ang lakad ko para maabutan ko siya ngunit lalapitan ko na sana ito ng may makauna sa akin, humarang ito sa dinadaanan niya.
Nakapamulsa nalang akong sumandal sa pader habang nakatingin sa dalawa. Napangisi nalang ako ng makita ko kung paano kumunot ang noo nito habang nakatingin doon sa humarang sa kaniya.
"Hi, I'm Kaye Gonz---"
"Not interested."
Natawa nalang ako ng mahina dahil mabilis at wala pang gana nitong pinutol ang sasabihin ng babae bago walang pake na nilagpasan ito.
Napaamang pa ng ilang sandali ang babae bago humabol dito. Dahan dahan ko lang din silang sinundan.
"Hey! Ikaw si Lincoln diba?" mabilis na pinigilan nung babaeng nagngangalang kaye ang braso nito.
"So?" walang emosyon na pahayag nito at tinabig ang kamay nung babae.
"Ang ganda ganda mo pero napakasungit mo naman, gusto ko lang naman makipag friends sayo." ngisi pa nito.
"Wag ako." wala pang ganang sabi nito, napaamang nalang yung babaeng nagngangalang kaye habang nakatanaw din dun sa babaeng naglalakad na palayo.
Mabilis naman ang akong naglakad upang sundan ang babae pero kinindatan ko pa muna yung kaye ng magtama ang tingin namin.
Agad naman akong nakahabol dito at sinabayan siya sa paglakakad. Hindi ako nito napapansin nito dahil nasa baba lamang kanyang tingin ngunit alam kong nararamdaman niya na may kasabay siyang magpakad dahil nagsalubong na agad ang mga kilay nito. Napakagat labi nalang ako ng masilayan ko ang gilid ng mukha niya.
Gilid palang, maganda na.
"Hi." ang nakangising bati ko dito.
Rinig ko naman ang singhal nito bago mag angat ng tingin.
"Ano na naman--oh, s-sorry po kayo pala yan Miss. Veronica." bubulyawan niya sana ako ngunit agad na banawi niya ng makita niya ang mukha ko.
Hindi ko mapagilang matawa dahil wala parin siyang emosyon at walang pake na umiwas lang ito sa akin ng tingin.
Ugh!
"You look familiar." kagat labing sabi ko dito.
Nakita kong sumulyap lang ito sandali sa akin at mabilis iyong binawi ng makita niya siguro na nakatingin lang ako sa kaniya.
"Studyante mo ako.. po.. kaya siguro po pamilyar ako sa inyo." walang emosyon na sabi nito sa akin at bumilis ang lakad.
Mabilis na sinabayan ko din siya at lihim nalang akong natawa dahil mukang hindi na siya mapakali.
"No, I think na meet na kita somewhere."
Napangisi nalang ako ng masilayan ko saglit ang paglaki ng mata nito bago bumalik sa walang emosyon.
"Nagkakamali lang po siguro kayo.. Baka, hindi po ako yun." sagot nalang nito.
"Hmm.." napatango tango nalang ako ngunit hindi parin nawawala ang ngisi sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...