Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.*******
May warning mga mare, ah? Kaya once na basahin mo ito dapat hanggang dulo wala kang angal o kahit anong reklamo, isang paalala ng taong nagmamahal ngunit hindi minamahal. Thank you!
==============Napangiti nalang ako habang nakatitig sa dalawa naming anak na magkatabi sa kanilang bed at mahimbing na natutulog, nakangiting inayos ko ang buhok na nakaharang sa mukha ni Vanessa bago ito malambing na halikan sa noo.
Habang tumatagal ay nakikita ko sa kaniya ang pinaghalong ugali namin ng kakambal ko na bitch, hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what. but nevermind, mas mabait naman itong anak ko sa aming dalawa.
Pangalawa ako sa mabait.
Inilipat ko naman ang aking tingin sa dalawang taong gulang na bunso naming anak, mahimbing ang tulog nito habang kagat-kagat ang kaniyang isang daliri. Nakatagilid ito ng higa habang yung isang hita niya ay nasa katawan na ng ate niya.
Mahina nalang akong natawa bago ayusin ang higa nito. hindi ko maitatanging kamukhang kamukha niya ang asawa ko. Napakaganda niya ngunit kung ugali na ang usapan, mukang sa akin nagmana.
Anyway, she's Blair Xzania Juarez.
Saglit ko pa silang pinagmasdan bago ko inayos ang kumot sa katawan nila at mapagpasyahan nang puntahan ang kinaroroonan ng mahal kong asawa.
Marami na din kaming pinagdaanan bilang mag asawa sa ilang taon naming pagsasama, nandun na yung nag aaway kami-i mean ako lang pala ang nang aaway, well... Walang thrill kung walang away sa relasyon, diba?
Well, ngayon ang nasasabi ko nalang ay masaya na kami ng pamilya ko.
Napangisi naman ako ng matanaw ko ang asawa ko na abala sa kaniyang ginagawa sa laptop, nakakunot pa ang kanyang noo habang nakatingin sa screen ng laptop niya. Naroon siya sa may kitchen at nakaupo sa may bar counter.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa puwesto nito ng hindi gumagawa kahit anong ingay, agad na yumakap ako mula sa likod nito at isiniksik ang aking mukha sa gilid ng kaniyang leeg. Mahina naman akong natawa ng maramdaman kong napaigtad pa ito sa gulat.
"T-Tulog na yung dalawa?" rinig ko pang mahinang tanong nito.
"Hmm." sagot ko nalang at sinimulang dampian ng halik ang kaniyang leeg.
Narinig ko ang malalim na bugtong hininga nito ngunit inis na napanguso nalang ako dahil itinutok niya ulit ang atensyon sa ginagawa niya kanina.
Inis na napalayo ako dito at sinilip ang ginagawa niya, napairap nalang ako dahil yung trabaho na naman niya pala iyon. Hanggang sa bahay dinadala ang trabaho niya? Sakalin ko kaya ito? Sexy time na dapat namin ngayon eee...
Nagdadabog na tinungo ko ang table at inis na kumuha ng banana na nasa ibabaw nito, mas lalo naman akong nainis ng marinig ko ang mahinang tawa ng mahal kong asawa.
Happy ka diyan?
"Hindi kapa ba tapos diyan?" nakangising tanong ko habang nakatingin sa binabalatan kong banana.
"Malapit na, why?" tanong nito at naramdaman kong nilingon ako nito.
Nakangising inangat ko naman ang tingin ko sa kaniya bago dahan dahang bumalik sa puwesto niya. Nakita ko lang nagtataka ang tingin nito sa akin ngunit kinindatan ko lang siya.
"Bakit--" naputol ang sasabihin dapat nito ng mabilis na pinaikot ko paharap sa akin ang inuupuan niya.
Nanlalaki din ang mata nito at mahinang napasinghap dahilan upang ako ay mahinang matawa.

BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...