Special Chapter III

27K 673 435
                                        

​"My god, Juarez! Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin matatapos-tapos diyan?! Kanina pa 'yan ah! Isang oras na ang nakalipas, para kang pagong kumilos!"

​My god ka rin, Saavedra! Akala mo ba madali ito?
​Mahina akong napasinghal at nakangusong nilingon ang mahal kong boss na asawa ko nang marinig ko ang galit na boses niya mula sa aking gilid. Napangiwi na lang ako nang makita kong mataray na nakapamewang na naman siya, her chin held high and that I’m-going-to-end-your-life look in her eyes. Sobrang sama na naman ng tingin niya sa akin, tila ba isa akong malaking disappointment sa mundo ng mga labandera.

Nakakainis?!

​"M-Malapit na ito, Love. Itong huling tumpok na lang, tapos magbabanlaw na ako next... relax ka lang, baka ma-stress 'yang beauty mo," pilit na matamis na nginitian ko siya, but deep inside, gusto ko na talaga siyang saksakin sa tagiliran gamit ang bareta ng sabon.

Bakit?

Puwet mong may rocket.

​Paano ba naman kasi! Sino bang matututwa kung pinapahirapan niya ako ngayon sa aking paglalaba kahit may tatlo naman kaming katulong para gawin ang bagay na ito? Hindi ko alam kung anong klaseng fetish o parusa ang trip niya sa akin ngayon, but this is pure torture. Literal na nakakaletche na talaga siya.

​Pinaglalaba niya ako ng iba’t ibang klase ng damit, mula sa bedsheets hanggang sa mga makakapal na hoodies, pero ang catch? Dapat kusot lang daw lahat. Ayaw niya akong pagamitin ng washing machine o kahit man lang 'yung tabla para mas mapabilis ang trabaho. Sabi niya, kailangan ko raw matutunan ang value of hard work. The audacity of this woman! My hands are literally pruning already!

​Kasalanan talaga ito ng dalawang batang makulit na 'yun, eh! Naparusahan tuloy ako ng Mommy nila nang hindi ko man lang alam kung karapat-dapat ba talaga ako sa ganitong kalupitan. Malay ko ba naman kasi na naliligo na pala sa ulan 'yung dalawang 'yun kanina sa garden? I didn't even notice they sneaked out!

​Ang ganda-ganda na ng pinapanood ko kanina na movie sa Netflix, nasa exciting part na ako, 'yung maghahalikan na 'yung bida nang bigla na lang akong nakaramdam ng sampal sa magkabilang pisngi ko lightly, but still! Pagmulat ko, nakatayo na sa harap ko ang isang galit na galit na Veronica. Binulyawan niya ako kesyo daw binabayaan ko na ang mga anak namin dahil lang sa walang kwentang pinapanood ko.

​I mean, okay, ako nga ang naka-duty na magbantay sa kanila, pero malay ko ba naman na lalabas 'yung dalawa? Inosente ako! I am innocent until proven guilty by the supreme court of the Juarez household!

​"Bilisan mo na diyan, don't just stare at the bubbles. At ito pa, dagdag mo 'to sa gagawin mo," mataray na sabi niya sabay lapag ng isang basket na punong-puno ng mga labahan sa harapan ko.

​Hindi makapaniwalang tinignan ko ang basket. "Wait, seriously? Veronica, curtains na 'to! You want me to hand-wash these heavy curtains?!"

​Mataray pa rin siyang nakatingin lang sa akin, hindi man lang nagbago ang expression. Nanggigil naman na napatayo ako mula sa maliit na bangkito at nakapamewang din na hinarap siya. I have to stand my ground!

​"Hindi na talaga ito patas, Veronica! Sobra ka na! I’ve been scrubbing for an hour! My knuckles are red, and my back is killing me! Hindi ako pinanganak para maging labandera mo—"

​Napahinto ako sa aking balak na sasabihin nang bigla niya akong samaan ng tingin. Her eyebrows met in a thin line, and she leaned closer, projecting that intimidating aura.

​"Nagrereklamo ka na naman ba, Eunice?! Baka gusto mong dagdagan ko pa 'yan? O baka gusto mong sakalin kita ngayon mismo para matauhan ka?" sigaw niya sa akin, her voice echoing in the laundry area.

Can't Help Falling Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon