"Dalian niyo namang kumilos! Iniwan na tayo'y lahat lahat, nandyan parin kayo!" rinig kong naiinis na sigaw pa ni Julius sa labas ng room.
Nailing nalang kaming dalawa ni bakla bago magmadaling lumabas na ng room matapos naming ayusin ang aming gamit. Lihim naman akong natawa ng makita kong nakabusangot na si tanga at mahaba na din ang nguso.
"Kukupad kumilos, kaya hindi kayo pinipili eh." naiiling na sabi pa niya ng makita kami.
Anong connect?
"Ay, pinili ka?" nakataas kilay na pang aasar din ni bakla.
"Medyo."
Natatawang inakbayan nalang siya ni bakla bago kami maglakad patungong Convention hall.
"Ano daw bang meron, bakit tayo biglaang pinapapunta ng Convention hall?" kunot noong tanong ko sa kanila.
Oo biglaan talaga dahil sa kalagitnaan ng discussion ng aming professor kanina ay biglang may kumatok sa room namin at nag announce na kailangang pumunta agad ng lahat sa Convention hall. Hindi ko na rin inintindi kanina kung bakit dahil busy ako sa malalim na pag iisip.
"Biglaan daw kasi yung dating nung owner nitong University natin, ipapakilala siguro nila." sagot naman ni Julius at nagkibit balikat pa.
kumunot naman ang noo at bahagyang napaisip, owner?
"Babae daw ba o lalaki?" curious na tanong ko ulit.
"Walang sinabi." kibit balikat na sagot ulit nito kaya napatango tango nalang ako bilang tugon.
"Excited na akong makilala kung sino man yun! Sa ilang taon ko nang nag aaral dito ngayon ko lang nalalaman kung sino nga ba ang owner nitong University." animong kinikilig pang sabi ni bakla.
Nailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali lang ay nakarating na kami ng Convention hall, uupo na sana ako sa nadaanan naming bakanteng upuan dito sa may dulo ngunit mabilis na hinila ako nung dalawa at dito kami naupo sa pinaka unahan.
"Ang sakit ng puson ko." mahinang bulong ko sa dalawa.
Sabay pang nag aalalang napalingon sa akin yung dalawang tanga. Kaya lihim akong napangiti dahil dun.
"Meron ka today?" mahinang bulong naman ni bakla.
Nakangiwing tumango naman ako na syang kinangiwi din niya.
"Oo, pang dalawang araw na." mahinang sagot ko pa.
"Hala? Ito oh.. Inom ka water." nag alala paring nakatitig sa akin si Julius at animong inosente pang inaabutan ako ng tubig niya.
Inis na inirapan ko ito at malakas na napasinghal dahil sa katangahan niya kaya taka itong napatingin sa akin at ngumusong tumingin nalang sa tubig na hawak niya, samantalang si bakla naman ay mahina nang tumatawa.
Walang ganang inilibot ko nalang ang aking tingin sa paligid ngunit mapait na napangiti nalang ako ng huminto ang aking tingin sa babaeng ilang buwan na siguro mula ng tuluyan akong layuan nito.
Walang gana itong nakikipag usap sa kapatid at sa pinsan niyang si Sir Steven. Matagal na din siguro mula nung huling masilayan ko ang kaniyang mga nakakabighaning ngiti, parang ipinagdadamot na niya kasi ang ngiting gusto kong makita, na syang nakakalungkot.
Hindi ko na din siya pinilit at ginulo pa dahil alam ko naman na may pinagdadaanan siya, mahirap talagang mawalan ng asawa, mahirap mawalan ng mahal mo sa buhay.
Sapat na at kuntento na ako na ganito nalang, yung kahit hindi ko siya makausap basta makita ko nalang siya kahit nasa malayo lang siya, sapat na sakin iyon.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...