Veronica
"Miss Russell naman! Ikaw na kasi ang gumising-"
"Bakit ako? Ikaw naman ang inutusan diba? kaya mona yan."
"Ayoko nga kasi! Ikaw nalang please!"
"Bakit ba? Ang dami mo namang arte! Gigisingin mo lang eh!"
"Baka kasi naninipa pala yan bigla kapag naiistorbo sa pagtulog."
"Mukha bang kabayo yan?"
"Hindi naman, ang ganda ganda nga ni Miss Veronica ee pero straight parin ako ah? Nagandahan lang talaga ako sa kaniya. Tignan mo pa, ang ganda niya parin kahit tulog, sana forever na siyang ganyan--"
"Gago ka talaga, Zera."
Naalimpungatan ako ng may marinig ako na mahinang nag-uusap malapit lang sa akin, dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at ang hindi pamilyar na silid ang aking unang nasilayan.
Kumunot pa saglit ang aking noo dahil sa pagtataka kung bakit ako napunta dito ngunit agad din akong napabalikwas ng higa ng maalala ko bigla ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay.
Eunice--
"Hoy--Miss Veronica, dahan dahan lang naman...baka bigla kang mahulog-deserve mo naman-aray gago!"
Mabilis na napalingon ako sa aking gilid dahil doon ko ulit narinig ang pamilyar na boses at agad na nasilayan ko ang dalawang babae na nagsasamaan na nang tingin.
Peke akong tumikhim upang kuhanin ang atensyon nilang dalawa, hindi naman ako nabigo dahil agad na ngumiti sila ng malaki ng humarap sa akin.
"Buti naman at nagising kapa--"
Agad na natigilan sa sasabihin si Russell at bahagya pang naubo ng sikuhin siya ni Zera sa tiyan.
"A-Ah..Miss Veronica, tara na po sa baba. Kakain na daw po at saka baka nagugutom kana din po." nakangiting aya pa nito sa akin.
Maliit na nginitian ko naman ito at saglit na inilibot ang aking tingin sa buong silid, sa tingin ko ay babae ang may ari nito. Masyadong kasing malinis, at maaliwalas ang paligid. Puro gray din ang kulay na nakikita ko sa buong silid, maganda din ang pagkaka ayos ng mga gamit na nandito at syempre- ang pamilyar na mabangong amoy ng babae ang nangingibabaw sa buong silid.
Amoy ni Eunice.
Si Eunice? Nasaan nga pala siya?
"Where's my Eunice?" baling ko sa kanila.
Nagkatinginan naman muna silang dalawa bago mahinang natawa na syang ipinagtaka ko.
"Nasa baba na po, actually ako po yung inutusan niya na gumising sayo." nakangiting sagot naman ni Zera.
"Bakit kailangan pang iutos? Bakit hindi nalang siya ang gumising sa akin?" nalulungkot na tanong ko pa sa kaniya.
Ayaw na ba talaga niya sa akin?
Huli na ba talaga ako?
"Pabebe girl type po kasi siya ngayon kaya ako muna ang inutusan niya, pero kung hahalikan mo naman siguro siya mamaya baka biglang magbago pa ang isip niya." ngisi ngisi pang sabi niya.
Napailing nalang ako bago walang ganang tumayo na.
"Ito pala ang pamalit mo, andoon naman yung bathroom." itinuro niya muna sa akin yung kulay asul na pinto bago may iniabot na tatlong paper bag sa harap ko.
Agad naman na napangiti ako at inabot na ang paper bag mula sa kaniya.
"Salamat." pasasalamat ko, nginitian naman ako nito.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...