Lincoln Eunice
Hindi ako mapakali habang palakad-lakad sa loob ng sala. Halos maubos ko na ang kuko ko sa kamay kakagat dahil sa sobrang nerbyos na hindi ko maipaliwanag. Kanina pa ako handa para sa secret date namin ni Veronica. Nag-shower na ako ng matagal, nag-spray ng paborito kong perfume, at ilang beses na ring nagpalit ng outfit hanggang sa makuha ko ang tamang timpla ng casual but attractive.
Shesh, kinikilig na talaga ako.
Sabi niya kasi sa akin kanina sa text, susunduin niya ako ng saktong 4:00 PM. Pero dahil sa sobrang excitement at kaba, alas-dos pa lang ay ready na ako. Nakasabit na ang bag ko sa balikat at nakasuot na ang sapatos ko.
Inis na napasalampak na lang ako sa sofa at nakangusong napatingin sa orasan. Nanghihinang napabuga ako ng hininga nang makitang 3:30 PM pa lang. Bakit ba ang bagal tumakbo ng oras kapag may inaantay ka? Para bang sinasadya ng tadhana na pahabain ang paghihirap ko.
Ipinikit ko lang sandali ang aking mga mata para pakalmahin ang tibok ng puso ko, ngunit hindi ko namalayang dahil sa sobrang aga kong nag-ready ay dinalaw na pala ako ng antok.
Nagising na lang ang diwa ko nang makarinig ako ng malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi lang iyon basta katok, para bang may gustong sumira ng pinto ko.
Kumunot ang noo ko, medyo groggy pa, pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang masulyapan ko ang digital clock sa gilid. Gosh! Alas-singko na! Isang oras akong late!
"Hala! Napasarap ang tulog ko, kasing sarap ni—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo para ayusin ang sarili. Inayos ko ang gulu-gulong buhok at mabilis na nag-spray uli ng pabango. Habang papalapit sa pinto, lihim akong nagdarasal na sana ay hindi pa siya tuluyang sumusuko sa paghihintay. Ang katok sa labas ay mas lalong bumibilis at bumibigat, bakas ang galit ng tao sa labas.
Nang buksan ko ang pinto, agad na bumungad ang napakagandang mukha ni Veronica. Pero imbes na matamis na ngiti, isang nakakatakot na aura ang sumalubong sa akin. Ang kaniyang mga mata ay tila naglalabas ng kuryente sa sobrang talim ng tingin, at nakaigting ang kaniyang bagang.
"V-Veronica..." napalunok ako.
Hindi siya nagsalita. Sa halip, malakas siyang sininghalan ako at inis na hinampas ng mahina sa mukha ko ang dala-dalang bouquet ng bulaklak.
"You kept me waiting for an hour, Eunice! Do you have any idea how many people were staring at me while I was standing here like an idiot?!"
"I-I'm so sorry, love... nakatulog kasi ako—"
"Shut up! Save it! Argh!! You're so annoying!" malakas na sigaw niya na nagpaigtad sa akin sa gulat.
Sapilitan niyang isinaksak sa mga kamay ko ang bulaklak bago siya nagdadabog na tumalikod at naglakad palayo patungo sa kaniyang sasakyan. Napakamot na lang ako ng leeg, feeling guilty at the same time ay natatakot na baka ma-cancel ang date. Nagmamadali ko siyang sinundan habang pilit na humihingi ng dispensa.
"Miss Veronica—teka lang!"
Nang maabutan ko siya malapit sa kotse, biglang huminto ang kaniyang paglalakad. Lumingon siya at sa isang iglap, ang kaniyang matigas na expression ay biglang lumambot. Naging maamong tupa ang kaniyang mga mata habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko, hinawakan iyon nang mahigpit, at dinala sa kaniyang mga labi para halik-halikan ang bawat daliri ko.
"I'm sorry, love... I didn't mean to shout," bulong niya habang nakatingin sa akin nang may pagsisisi. "It's just that... I've been knocking for almost an hour. I thought you changed your mind. I thought you didn't want to go on a date with me anymore."
